Xyriel Manabat hindi nagsisi na nilayasan noon ang showbiz; feeling lucky nang mapasama sa cast ng 'Dirty Linen' | Bandera

Xyriel Manabat hindi nagsisi na nilayasan noon ang showbiz; feeling lucky nang mapasama sa cast ng ‘Dirty Linen’

Ervin Santiago |January 22,2023
facebook
share this

Xyriel Manabat hindi nagsisi na nilayasan noon ang showbiz; feeling lucky nang mapasama sa cast ng ‘Dirty Linen’

Ervin Santiago - January 22, 2023 - 06:56 AM

Xyriel Manabat hindi nagsisi na nilayasan noon ang showbiz; feeling lucky nang mapasama sa cast ng 'Dirty Linen'

Xyriel Manabat

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang dating child star na si Xyriel Manabat na nakabalik na uli siya sa mundo ng showbiz.

Feeling blessed and lucky ang dalaga dahil isa siya sa napili ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na maging isa sa cast members ng upcoming ABS-CBN crime drama series na “Dirty Linen.”

In fairness, dalagang-dalaga na nga si Xyriel at handa na raw siya sa second chance na ibinigay sa kanya ng Kapamilya Network matapos magpahinga nang ilan taon sa pag-aartistam

“Sobra po akong hindi makapaniwala. Hindi ko rin po kasi ine-expect na mami-miss ko ang pag-arte ng ganito,” ang pahayag ni Xyriel sa panayam ng ABS-CBN sa presscon ng “Dirty Linen.”

Aniya pa, “Kasi kampante po ako dati na ‘Ah normal life na.’ Tapos ngayon, bumabalik po ako. Grabe ko po pala talaga siya na-miss and grabe ko siya kine-crave.”

Ang feeling daw niya ngayong umaarte na siya uli sa harap ng mga camera, “Sobrang overwhelming po, bumabalik po ang lahat ng memories ko noon nagtatrabaho po ako noong bata po ako.

“Sobrang nakaka-excite and mixed emotions po talaga. Parang may pressure kasi sobrang grabe po ‘yung feelings ko,” sey pa ni Xyriel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_)


Pero ipinagdiinan ng dalaga na hindi niya pinagsisisihan ang pamamahinga niya noon sa showbiz at magdesisyon na mamuhay ng simple at malayo sa limelight.

“Happy po ako na nahabol ko po ‘yung mga na-miss ko noong bata ako since maaga po ako nag-work like nakapag-school po ako ng dire-diretso and nakagala po ako nang wala po akong iniisip na schedule.

“Nakakagising po ako ng tanghali ng wala akong iniisip na may-taping ako nang maaga and may pull-out ako ng ganitong oras. Siguro na-miss ko ‘yun and parang regular life,” pahayag ni Xyriel.

Unang sumikat si Xyriel nang sumali siya sa Star Circle Quest noong 2009. Kasunod nito nabigyan na nga siya ng mga teleserye sa ABS-CBN kabilang na ang “100 Days To Heaven” kasama sina Coney Reyes at Jodi Sta. Maria.

Huli naman siyang napanood sa Kapamilya series na “Wildflower” bilang young Lily/Ivy Aguas na ginampanan ni Maja Salvador.

Xyriel Manabat bet maka-love team si Zaijian Jaranilla

Xyriel Manabat tinupad ang naudlot na 2021 bucket list

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Francine Diaz, Seth Fedelin magtatambal sa seryeng ‘Dirty Linen’, comment ni Andrea Brillantes: Congrats!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending