Billy sa natanggap na ‘birthday bash’ ni Alex: ‘Kawawa naman, naaawa na ako sa kanya, sa totoo lang’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Alex Gonzaga at Billy Crawford
LITERAL talagang nakatanggap ng matinding “birthday bash” ang TV host-actress na si Alex Gonzaga sa kanyang ika-35 kaarawan nitong nagdaang January 16.
Ito’y dahil nga sa ginawa niyang pagpahid ng cake sa mukha ng waiter na si Allan Crisostomo sa kanyang birthday salubong last Sunday.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang isa sa mga kasamahan ni Alex sa noontime variety show ng TV5 na “Tropang LOL” na si Billy Crawford sa grand media launch ng bagong streaming application na Viva Prime.
At dito nga natanong ang TV host-actor kung ano ang reaksyon niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Alex na hanggang ngayon ay naba-bash pa rin kahit nag-sorry na siya sa binastos na waiter.
Sabi ni Billy, nagkausap sila ni Alex matapos ang insidente, “Sabi ko, ‘ayan ka na naman, laman ka na naman ng news, congratulations, trending ka na naman.’
“Siya ang kauna-unahang nag-trending ng masama sa birthday,” ang natatawang sabi ni Billy.
Hirit pa niya, “Kawawa naman, naaawa na ako sa kanya, sa totoo lang. Pero God works in mysterious ways, sinasabi ko sa ‘yo. We’ll learn our lessons at the end of the day.”
Dagdag pa ni Billy, sana’y mag-move on lahat dahil nag-sorry na si Alex at nagkaayos na rin sila ng food server.
“I think, she knows what she’s done and kung ano naman ‘yung mali sa isang tao, ‘di ba? Pero I think it’s time to move on.
“Mas maraming importanteng mga bagay na nasa paligid natin na kailangan nating pag-usapan, sa totoo lang. I think, we’re really feasting on negativity around us,” sey ni Billy.
“Ako, guilty ako before, namamahid ako ng cake sa barkada ko pero kahit paano, you have to know your consequences kahit paano.
“So, alam ni Alex kung anong mali ang ginawa niya and she’s really sorry naman,” pag-amin pa ni Billy.
Samantala, mas mag-eenjoy at mas marami ng choices ngayon ang mga manonood dahil bukod sa Vivamax, ni-launch na rin ang pinakabagong streaming app ng Viva Entertainment, ang Viva Prime.
Kung ang Vivamax ay pang-adults, ang Viva Prime naman ay medyo wholesome at pampamilya at pwedeng-pwede ring panoorin ng mga bata.
Ang blockbuster hit na “Maid in Malacañang” ni direk Darryl Yap ang mapapanood sa pagbubukas ng app sa January 29.
Ang Viva film’s library consisting of movies of Sharon Cuneta, Vilma Santos, Nora Aunor, Sarah Geronimo, JaDine (James Reid at Nadine Lustre) na nasa Vivamax ay ililipat na raw sa Viva Prime, gayundin ang Viva Live concerts.
Sa ngayon, at least ay one title per week daw ang kanilang ipapalabas.