Abogado ni Bea nagbantang idedemanda ang nagpapakalat ng fake news tungkol sa farm ng aktres sa Zambales
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Bea Alonzo at ang mga kapitbahay na Aeta
BINALAAN ng kampo ni Bea Alonzo ang mga taong nagpapakalat ng fake news hinggil sa pag-aaring farm ng Kapuso actress.
May isang netizen kasi na nagsabing inagaw raw ni Bea ang kanyang Beati Farm, na isang 16-hectare land sa Iba, Zambales, sa isang Aeta community na dating naninirahan doon.
Isang Twitter user ang nagkomento sa post ng Inquirer.net hinggil sa YouTube vlog ni Bea noong January 14, kung saan makikita ang pagpapakain ng aktres at ng kanyang pamilya sa mga kapitbahay nilang Aeta.
Naghanda ang aktres, kasama ang kapatid na si James at sister-in-law na si Thalia, ng Chicken Hamonado at Arroz Valenciana.
Marami ang pumuri sa kabaitan ni Bea at pagbibigay halaga sa mga kapatid nating Aeta. Pero may ilan ding nangnega sa dalaga tulad ng netizen na nagsabing, “That’s nice, now how about giving their land back.”
Burado na ngayon ang post ng nasabing netizen sa Twitter pero may nakapag-screenshot na nito at nakarating na nga sa kampo ni Bea.
Sa isang official statement, nagbabala nga ang abogado ni Bea na si Joey Garcia ng GERA law firm sa mga nagpapakalat ng land-grabbing accusation sa aktres.
Ipinagdiinan niyang si Bea ang rightful owner ng nasabing property at walang ninanakaw na farm o ari-arian mula sa ibang tao.
“Let this message serve as a stern and final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.
“Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time,” ang pahayag pa ng abogado na lumabas sa isang website.
Narito naman ang comments ng mga netizens sa malisyosong akusasyon ng hater ni Bea.
“Accla! Walang burahan ng tweet huh. This already reached Bea Alonzo. Let’s wait for her action against this heavy and baseless accusation. For now, ipon ka na ng sources mo as evidence.”
“Screenshot na natin to baka mag-delete at magpa-victim after makasuhan! Bea Alonzo, do the right thing! Wag papatinag! Give this freaking inggit a lesson!”
“Gusto ata ma sue for defamation neto also like the aetas were from botolan as stated sa vlog and yung farm ni bea alonzo is in iba. see for yourself. lahat nalang.”
“Sobrang magkaiba talaga reaction ng mga tao sa Twitter compare sa YT at FB. I kennat! Isang Bea Alonzo pa talaga iaaccuse ng land grabbing and clout chasing dahil lang sa pag-invite sa mga kapatid nating aeta over a dinner? Tangena niyong mga pa woke kayo!”