Dolly de Leon ayaw paawat sa mga nominasyon, kabilang sa ‘Best Supporting Actress’ category ng 2023 BAFTA

Dolly de Leon ayaw paawat sa mga nominasyon, kabilang sa ‘Best Supporting Actress’ category ng 2023 BAFTA

PHOTO: Instagram/@dollydeleon

ANG ganda talaga ng pagpasok ng taong 2023 para sa award-winning actress na si Dolly de Leon.

Gumawa nanaman kasi siya ng kasaysayan!

Siya ang kauna-unahang Pilipino na napabilang sa isa pang international award-giving body, ang “2023 British Academy Film Awards (BAFTA).”

Isa siya sa mga nominado ng “Best Supporting Actress” at dahil ulit ‘yan sa kanyang pagganap sa international movie na “Triangle of Sadness.”

Ang bongga talaga ni Dolly dahil mga bigatin din talaga ang mga makakalaban niya sa nasabing kategorya.

Nariyan sina Angela Bassett ng “Black Panther: Wakanda Forever,” Hong Chau ng pelikulang “The Whale,” Kerry Condon ng “The Banshees of Inisherin,” Jamie Lee Curtis ng “Everything Everywhere All At Once,” at Carey Mulligan ng “She Said.”

Bukod sa nominasyon ni Dolly, nominated din mismo ang “Triangle of Sadness” sa BAFTA 2023 sa mga kategoryang “Best Original Screenplay,” at “Best Casting.”

Ang mga mananalo sa BAFTA ay malalaman sa February 20 – oras sa Pilipinas.

Kamakailan lang ay nominado si Dolly sa pagka-best supporting actress sa katatapos lang na 80th Golden Globe Awards.

Habang nagwagi siya ng “Best Supporting Performance” sa Los Angeles Film Critics Association Awards sa Amerika noong Disyembre.

Ang karakter ni Dolly sa nasabing pelikula ay bilang “Abigail,” isang toilet manager sa isang luxury crew ship, pero tila bumaliktad ang mundo nang lumubog ang sinasakyang barko at mapadpad sila sa isang isla na walang tao.

Sa husay na ipinakita ni Dolly bilang si Abigail ay may posibilidad na ma-nominate siya sa Oscars 2023.

Related chika:

Mga bida at kontrabida sa ‘Dirty Linen’ bardagulan sa aktingan, Dolly de Leon agaw-eksena agad

Read more...