USAP-USAPAN ngayon ang cryptic post ng TV host-model na si Kat Alano sa kalagitnaan ng mga talak patungkol sa ginawa ni Alex.
Magpasahanggang ngayon ay trending pa rin ang bunsong Gonzaga matapos ang pagpahid nito ng cake sa isang waiter noong kanyang birthday celebration kahit na nag-sorry na ito.
Sinabayan kasi ni Kat ang pagkakataon at pagiging hot topic ni Alex para makapaglabas ng kanyang opinyon o saloobin.
Sa kanyang Twitter account ay tila may hugot siya sa kasagsagan ng pambabatikos at pagkastigo ng madlang pipol kay Alex.
“People will cancel you for cake but celebrate you for rape,” maikling sey ni Kat.
Umani naman agad ito ng reaksyon mula sa mga netizens dahil tila pinapatutsadahan niya ang TV host-comedian na si Vhong Navarro. Matatandaang recently ay nagbalik sa “It’s Showtime” matapos ang ilang buwang pagkawala buhat nang arestuhin siya para sa kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
“Kat stop it.. You want everyone to sail with you, be a captain.. You can still file a case,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “I think that you owe yourself true justice by filing a formal & legal complaint against that person. Kung may katwiran, ipaglaban mo.”
“Kat I know that you are mad because of the verdict. Dont worry coz some people, like me, i cancel both incident,” sey naman ng isa.
Marami rin ang tila nagsaway sa model-host at sinabing may proper way para ma-address ang kanyang problema at hindi ito mareresolba sa public trial gaya ng kanyang ginagawa.
people will cancel you for cake
but celebrate you for rape.
— Breaking free (@katalano) January 19, 2023
“ate, magdemanda ka.. yun ang proper forum hindi sa twitter… otherwise lalo kang pag iisipan na naghahanap ka lang attention,” sabi ng isang netizen.
Chika pa ng isa, “May I ask what’s stopping you from filing a case? So you could get the justice you deserve. Posting on socmed wouldn’t help you solve your case and give you the closure you need. After all the person you are accusing is not high and mighty as not be served punishment, if guilty.”
“Wala pong mangyayari sa public trial, file a case po Para Makamit mo ang tunay na justice at peace mind,” hirit pa ng isa kay Kat.
Related Chika:
Kat Alano kinastigo ng bashers, hinamong magsampa ng kaso laban sa nanggahasa sa kanya: ‘Huwag puro dada!’
VJ-TV host Kat Alano nakamit na ang hustisya matapos gahasain ng kilalang celebrity 17 years ago
Kat Alano dismayado sa pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro: I feel broken and defeated
Kat Alano umalma sa pamba-bash na natatanggap: Akala n’yo madali ito?