Sulat-kamay na official statement ng waiter na binastos ni Alex pinagdudahan: ‘Yung ikaw na pinahiran, pero ikaw pa pinasulat’

Sulat-kamay na official statement ng waiter na binastos ni Alex pinagdudahan: 'Yung ikaw na pinahiran, pero ikaw pa pinasulat'

Alex Gonzaga at Allan Crisostomo

HINDI katanggap-tanggap para sa ilang netizens ang pag-iisyu ng handwritten official statement ng waiter hinggil sa ginawang pambabastos sa kanya ni Alex Gonzaga.

Sa halip na matuldukan na ang isyu tungkol sa pagpapahid ni Alex ng cake sa mukha ng food server na si Allan Crisostomo ay tila mas tumindi pa ito dahil nga lumabas na sa sulat-kamay na pahayag nito sa social media.

Kinukuwestiyon kasi ng ilang netizens kung bakit ang waiter pa ang kailangang gumawa ng sulat para ibandera sa buong universe na nag-sorry na sa kanya si Alex.

Ang sentimyento ng mga taong naaawa at nakikisimpatiya kay Allan Crisostomo ay siya na ang binastos at napahiya pero siya pa ang naglabas ng written statement na nagkaayos na sila ng TV host-actress.

Hirit ng isang netizen, “Yung ikaw na pinahiran, pero ikaw pa pinasulat.”


“Si Kuya pa talaga ang may open letter at hindi yun naka perwisyo na pilit na pinagmumukha ang sariling sinsero sa paghingi ng paumanhin.”

“Sa mga friends ko kapag na offend nyo ako gawan nyo rin ako ng letter para may katibayan na nag sorry kayo.”

“Palusot lang nila n frend nila ung server n pinunasan ng cake- SAMPAL SA PAGKATAO NILA UNG KAWALANG RESPETO N GNAWA NG ANAK NILA SA KAPWA TAO! ABUSADO!!!!”

“Kahit nag sorry kapa tumatak na sa isip nang mga tao ang kabastusan mo sa kappa. Kilala ka n mapagbiro ka pero ilagay mo sa Tama Hindi Basta Basta mo lang gawin ka agad hindi mo pa ka biro ginawa muna kaagad. Mababa talaga ang tingin mo sa mga mahihirap. Amen!”

“So this only concludes one thing: he was never OK in the first place. Which is very valid. Funny how A’s rabid fans are saying na hindi yan ikasasama ng loob ni Kuya kasi joke lang naman and it is his job na pasayahin si birthday girl??? He was hurt and never was OK before the apology.”

“Ano ito blotter sa baranggay? Kailangan magsulat na wala ng kaso. Tapos na? Case closed? Para wala ng chance na maghabla ang kalaban kasi nakapirma na settled na??? Hahahaha…. grabe na talaga si ate mo gurl!!!”

Samantala, may kuwento rin ang isang talent coordinator tungkol sa naging karanasan niya kay Alex nang kunin nila itong talent sa 2011 Ad Congress sa Naga City.

Kasama raw nila sa isang bus patungong venue ng event ang aktres bilang bahagi ng delegation ng TV5 with some senior stars ng network.

Nasa loob na raw ng sasakyan ang mga sikat na artista na mas senior kay Alex na dumating nang late. Basa pa raw ang buhok nito at hindi pa naka-makeup.

Nagkatinginan na lang daw ang lahat sa pagdating niya. Pero ang the height, hindi man lang daw nag-sorry si Alex sa mga kasamahan niya.

Toni tinalakan ng netizens dahil sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Kastiguhin at turuan mo ng leksyon ang kapatid mo!’

Kampo ni Alex Gonzaga nagsalita na ukol sa viral video, sinabing ‘family friend’ ang naturang waiter

Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Read more...