Nanay na-shock sa ginawa ng anak sa mga alagang aso’t pusa: ‘Kilay is life, mommy!’

Nanay na-shock sa ginawa ng anak sa mga alagang aso't pusa: 'Kilay is life, mommy!'

‘Kilay is life!’

SHOOKT ang isang nanay nang makita ang itsura ng mga alaga nilang aso at pusa pag-uwi niya sa kanilang bahay.

E, kasi nga, tumabad sa kanya ang nagmumurang mga one-line kilay ng mga pet dogs na akala mo’y nanggaling sa salon at nagpa-make over doon.

Kuwento ni Maureen Valdez sa kanyang social media post na mababasa sa FB group na Aspin Lovers Philippines, talagang na-shock siya nang makita ang itsura ng kanilang mga alagang hayop.

Sey ni madir, namalengke lang daw siya sandali at pag-uwi niya ay may mga bonggang kilay na ang kanilang mga aso pati na ang pusa nilang si “Bruno.”

Super itim na itim ang kilay ng mga hayop at talagang magkakapareho pa ang stype ng mga ito.

“Linagyan ng anak ko kasi daw, KILAY IS LIFE, mommy! Waah ginamit ang eyeliner ko…pero natawa ako sa itsura nila,” ang chika ni Maureen sa kanyang FB post.

Aliw na aliw naman ang mga netizens nang makita ang mga aso nina Maureen. Narito ang ilan sa mga nakakaloka nilang comments.

“Ang bongga! Buti pa sila may budget sa kilay. Hahahaha!”

“Talbog ang alaga ni Heart Evangelista na si Panda!”

“Hala ka-cute nila. tingnan lab lab yarn!”

“In fairness momsh ang kilay tama ang shape hehehehe.”

“Kalowka! tinalbugan ang kilay kobwahahahahaha.”

“Si Muning sa baba ang kilay hahahahah. Ang cute nila nakaka good vibes.”

“Hakyyyuuut naman silang lahat.”

Yassi nag-birthday kasama ang mga aso’t pusa: My heart is so, so full!

Janine mala-Princess Diaries ni Anne Hathaway ang drama noon: Hinahabol ako ng tiyani dahil sa kilay ko!

Read more...