Janella Salvador nagluluksa sa pagpanaw ng alagang pusa

Janella Salvador nagluluksa sa pagpanaw ng alagang pusa
LABIS ang kalungkutang nadarama ng Kapamilya actress na si Janella Salvador matapos pumanaw ang alagang pusa na si Twinkie.

Nitong Lunes, January 16 ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang malungkot na balita patungkol sa alaga.

17 years nang nasa pangangalaga ni Janella si Twinkie dahil regalo pa ito sa kanya ng inang si Jenine Desiderio noong ika-8th birthday niya.

“The hardest part about loving animals is knowing that you’re bound to outlive them,” pagbabahagi ng “Darna” star.


Inilahad rin niya kung gaano siya na-love at first sight kay Twinkie nang makita niya ito sa isang pet shop.

“I found him at a petshop in Pasay and fell in love so fast that I didn’t want to leave him behind and wait for my birthday. He was the perfect cuddly gentle cat anyone could ever dream of,” kuwento ni Janella.

Nagpasalamat rin ang aktres sa kanyang yumaong alagang pusa at ipinangakong hindi niya ito malilimutan.

“Thank you for sharing 17 years of your life with us, Twinkie. You have a spot in my heart forever,” sey ni Janella.

Marami naman ang nagpaabot ng pakikiramay sa aktres.

Saad ni Iza Calzado,”I am truly sorry for your loss, Jea.”

“Big hugs.. I feel for your lost since one of my loving cat died last friday and it still hurts until bow that ive been feeling sad and crying daily missing her. Yours is already in the raimbow brdige along with our other loving pets we consider as our family member,” comment naman ng isang netizen.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na namaalam ang aktres sa kanyang alagang hayop dahil last year lang nang pumanaw ang kanyang alagang aso.

July 2022 nang pumanaw ang alagang aso ni Janella na si Max na siyang naging kasa-kasama niya noong mga panahong malungkot siya at itinuring na ring “partner in life”.

Related Chika:
Janella Salvador nagluluksa sa pagkawala ng alagang aso: I lost a partner in life

Janella Salvador nagdala ng ahas sa presscon ng Darna: Gusto kong tumatak muli sa publiko si Valentina

Janella Salvador inokray ng netizen, ‘bumigay’ raw sa pogi kaya naging single mom

Janella Salvador, Julia Barretto muling nagkita, friends na kaya ulit?

Read more...