MJ Lastimosa binanatan ng bashers dahil sa ‘sayang ticket’ tweet, nagpaliwanag: Walang comprehension ng mga tao here

MJ Lastimosa binanatan ng bashers dahil sa 'sayang ticket' tweet, nagpaliwanag: Walang comprehension ng mga tao here

KALIWA’T kanan ang pamba-bash na natanggap ng beauty queen-host na si MJ Latimosa kaugnay sa “pang-iiwan” diumano nila kay Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.

Matatandaang isa ang beauty queen sa mga um-attend at nanood ng live sa nagdaang 71st Miss Universe na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA.

Nang hindi kasi palarin si Celeste na makapasok sa Top 16 ay napansin ng mga netizens ang tweet ni MJ.

“Balik pala ako ulit sayang ticket,” aniya kalakip ang larawan niya na kumakain ng chocolate.

[MJ tweet]

Marami sa mga netizens ang tila hindi nagustuhan ang mga sinabi ng dalaga at agad itong tinalakan.

“What if ikaw ate MJ ang malas? What if lang?” saad ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “kala mo naman nanalo na tong mukhang baklang to kung makapag salita, kaya ka inalis sa eat bulaga eh bwahahhahahahhaha.”

Marami pa ang nga comments kung saan huwag na raw manood ng live si MJ sa susunod na Miss Universe upang mawala ang “malas”.

Nag-tweet naman ulit ang dalaga bilang responde sa lahat ng hate messages and comments na kanyang natatanggap.

“Sobrang walang comprehension ng mga tao here huhu. Pano ko po iiwan si Celeste anjan po sya sa backstage till the pageant ends. Wala po pwedeng umalis,” lahad ni MJ.

Dagdag pa niya, “And di rin po ako pwede sa backstage, anong gagawin ko? Juskwa kayo! Ayan zinozoom in ko pa sya.”

Nag-post rin si MJ ng kanyang mensahe para kay Celeste sa kanyang Instagram account.

“I was thinking long.. trying to find the perfect words to somehow make everything seems okay, the words to somehow filter what people say, the words to somehow comfort you, hug you and make you feel okay. And I finally did, I whispered it to your ear while the warm hug lingered, I’m glad I was able to. Nothing but thank you to you! Mabuhay ka @celeste_cortesi,” saad ni MJ.

Pagpapatuloy pa niya, “A hero once said: You’re going to make a difference. A lot of times it won’t be huge, it won’t be visible even. But it will matter just the same.”

Related Chika:
MJ Lastimosa napagkamalang kandidata sa 2021 Miss U: Kaloka ‘yung advisor in-award ako!

Samantha Bernardo sinorpresa ng boyfriend, MJ Lastimosa napa-OMG

MJ Lastimosa sa mga nagsasabing retokada siya: Yes, I can afford

Read more...