Kylie Padilla nilabanan ang takot at anxiety sa Switzerland: Na-discover ko na mas may itatapang pa pala ako

Kylie Padilla nilabanan ang takot at anxiety sa Switzerland: Na-discover ko na mas may itatapang pa pala ako

Kylie Padilla at Gerald Anderson

TODO-TODO ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Kylie Padilla kay Gerald Anderson at sa lahat ng nakatrabaho niya sa romantic drama na “Unravel”.

Bukod sa napakarami niyang natutunan sa mga bagong na-experience habang ginagawa ang nasabing pelikula ay na-overcome pa niya ang ilan sa mga kinatatakutan niya sa buhay.

Kinunan ang “Unravel” sa Switzerland kung saan gumaganap si Kylie bilang si Lucy katambal ang Kapamilya hunk na si Gerald playing the character of Noah.

Sa naganap na presscon ng “Unravel” last January 6, nabanggit nga ni Kylie kung gaano kahalaga sa kanya ang nasabing project. Aside from the fact na first time niyang gagawa ng movie with sa Kapamilya actor, ito rin ang unang pagkakataon na nakapag-shoot siya sa Switzerland.

“Nagkaroon ako ng maraming empathy sa journey ni Lucy, sa nangyayari sa kaniya and how she was feeling.

“Also, sobrang nakaka-endear din yung love story nila ni Noah kaya sobrang na-attach ako agad kay Lucy. I wanted to give her the justice. I wanted to tell her story,” pahayag ng celebrity mom nang tanungin kung bakit tinanggap niya agad ang pelikula.

At dahil din sa “Unravel”, napaglabanan niya ang ilang fear niya sa buhay at ang nararamdamang anxiety.


“I’ve discovered that I am stronger than I thought. Kasi yung fear na hinarap ko for the skydiving, kakaiba siya kasi I feared for my life. Pero ayun nga, sobrang supportive ng mga kasama ko, si Gerald lalo. Nagtiwala ako sa kaniya.

“Sabi ko nga sa sarili ko, kapag nagawa ko ‘to, I’ll be stronger in conquering the obstacles in my life,” sey pa ni Kylie.

Sabi pa ng aktres, “I still can’t believe that I made the movie. Because what really… I’ve been a supporter. I’ve watched their films.

“So it’s really an honor for me to be able to work with someone I admire. Until now. Until now, when I look at the poster, I can’t believe it. It was such an honor because I just observed how he works and I’ve learned a lot,” dagdag pa niya.

Bukod sa “Unravel”, bibida rin si Kylie sa upcoming Kapuso series na “Ang mga Lihim ni Urduja” kung saan makakasama niya ang mga kapatid na Sang’gre sa “Encantadia” na sina Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Gerald bumilib sa tapang ni Kylie, hindi umatras sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘Unravel’: Grabe siya!

Xian Gaza nakita si Erich Gonzales sa Switzerland: I was about to approach you nang…

Vice,Ion lalong tumatamis ang samahan; Bela at Sarah muling nagkita sa Switzerland

Read more...