Celeste Cortesi mas lalo pang ginanahan sa paglaban sa Miss Universe 2022 nang makita ang nanay at boyfriend

Celeste Cortesi mas lalo pang ginanahan sa paglaban sa Miss Universe 2022 nang makita at mayakap ang nanay at boyfriend

Celeste Cortesi at Maria Luisa Rabimbi

NADAGDAGAN pa ng  “pampaswerte” at pa-lucky charm si Celeste Cortesi para sa pinakaaabangang pagrampa niya sa Miss Universe 2022 grand coronation ngayong araw.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang finals night ng ika-71 edisyon ng naturang international pageant na gaganapin sa New Orleans Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA.

Siguradong mas na-motivate pa ngayon nang bonggang-bongga si Celeste dahil bago nga ang pagsabak niya sa itinuturing na judgment day ay nabigyan siya ng chance na makita at makasama ang kanyang ina at boyfriend.

Kahapon, nagkita muli ng 25-year-old Filipino-Italian model ang inang si Maria Luisa Rabimbi pati na ang kanyang pinakamamahal na dyowa para sa isang maikli at mabilisang moment together.

Nagbeso at mahigpit na nagyakap ang mag-ina at sandaling nagchikahan base sa nakita naming video na ipinost ng celebrity at beauty queen stylist na si Oli Sara sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Oli, nangyari ang pagkikita ni Celeste at ng ina nang magkaroon ng break ang mga kandidata sa ginagawa nilang rehearsal kahapon.

“An exclusive moment with PHILIPPINES’ @celeste_cortesi at the media room, with the tightest security in place! @missuniverse”

“She’s glowing! Catch @dyancastillejo’s exclusive interview tonight on TV Patrol!” ang nakalagay sa caption ng photo at video.

Bumati at bumeso rin kay Celeste ang kanyang boyfriend na si Mathew Custodio.


Palaging sinasabi ng beauty queen na all out ang support ng kanyang ina sa pangarap niyang maging Miss Universe.

“My mom always expressed her desire for me joining and becoming Miss Universe. She’s always been very supportive of me.

“She would always encourage and motivate me during challenging times in my competitions. She is my strength,” aniya.

“I connect with my mother in Italy through the many social platforms available. She is constantly updated with my daily activities and whereabouts.

“We are so thankful for good internet connectivity because I can video-call my mother, my sister, and my best friend all the way from Italy with no interruptions.

“We get to catch up and see how much we’ve grown since the last time we saw each other physically,” sabi pa ni Celeste sa nasabing interview.

Celeste Cortesi nangarap maging beauty queen matapos mapanood si Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…

Thai stars Mario, Gulf, Nonkul mataas ang respeto sa LGBTQ; super bilib sa mga Pinoy

Read more...