Richard Gutierrez at Ian Veneracion magkakampi o magkaaway nga ba sa ‘The Iron Heart’?

Richard Gutierrez at Ian Veneracion magkakampi o magkaaway nga ba sa 'The Iron Heart'?

Pahulaan kung kakampi o kaaway ni Richard Gutierrez si Ian Veneracion sa latest addition ng seryeng “The Iron Heart “na umeere sa Kapamilya network, A2Z, TV5 at iba pang Kapamilya online.

Sa inilabas na larawan ng Star Creatives sa kanilang IG account ay magkasama sina Ian at Richard na masaya habang nag-uusap.  Dati nang nagsama ang dalawa sa pelikulang Unbreakable, 2019 kasama sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Anyway, may mga nabasa kami na baka si Ian ang laging kausap ni Jake Cuenca as Eros na tinatawag niyang ‘Sir’ na nag-uutos kung ano ang mga dapat niyang tuklasin sa loob ng sindikatong Tatsulok na pag-aari ni Albert Martinez bilang si Engineer Priam dela Torre.

Pumasok kasi sa sindikato si Eros para alamin ang mga illegal na gawain ni Engineer pero hindi naman siya nahahalatang naniniktik dahil nga kabilang siya sa may pinakamataas na posisyon sa grupo.

Si Richard bilang si Apollo ang boss naman niya ay si Maricel Laxa as Atty. Helen Gomez na gustong malaman din ang pasikot-sikot ng negosyo ni Engineer lalo’t namatay ang kapatid niyang isang scientist.

Samantala, pansin lang namin na paborito ni Direk Lester Ong sina Pepe Herrera at Louise Abuel dahil kasama ang dalawa sa action drama series na One Good Day na mapapanood sa Prime video na si Ian V. ang bida at ngayon ay sa “The Iron Heart” ay kasama ay ka-join din ang dalawa.

Sa kasalukuyang umeere ay mukhang magkakabukingan na sina Eros at Apollo kung ano ang karakter nila sa isa’t isa.

Related chika:

May mga bagay na tinitiis na lang natin at ang tanging kinakapitan natin ay ang Panginoon – Vice

Read more...