MULING nangibabaw ang pagiging malikhain ng mga Pilipino pagdating sa international fashion.
‘Yan ay matapos bumida ang mga likha ng ilang Pinoy fashion designers sa katatapos lang na preliminaries competition ng prestihyosong international beauty pageant na Miss Universe ngayong taon.
Isa-isahin natin sila at bigyang-pugay ang mga nakakahanga nilang mga disenyo.
JOJO BRAGAIS
Sa ikalawang pagkakataon, ang disenyo ng Filipino shoemaker na si Jojo Bragais ang napili bilang opisyal na footwear para sa 71st Miss Universe.
Dalawang disenyo niya ng sapatos ang ginagamit ngayon sa pageant.
Isa na riyan ang tinatawag niyang “Maureen” na inspired kay 2021 Miss Globe Maureen Montagne.
Matatandaan noong 2021 nang gumawa ng kasaysayan si Jojo bilang kauna-unahang Pinoy na napili bilang shoe designer para sa Miss Universe.
OLIVER TOLENTINO
Ang Beverly Hills, California-based designer na si Oliver Tolentino ang nasa likod ng eleganteng sky-blue evening gown ng ating pambato na si Celeste Cortesi sa Miss Universe.
Bukod diyan, siya rin ang gumawa ng naging national costume ni Celeste na “Darna.”
Para sa kaalaman ng marami, si Oliver din ang nagdisenyo sa red gown ni Pia Wurtzbach na ginamit niya sa preliminary competition ng Miss Universe noong 2015 bago makoronahan sa mismong pageant.
PATRICK ISONERA
Ang Pinoy designer naman na si Patrick Isonera ang gumawa ng national costume ni Miss Universe USA na si R’Bonney Gabriel, na isa ring Filipino-American.
Ayon pa kay Patrick, nais niyang ma-inspire ang mga kababaihan na lalo pang mangarap.
“The purpose of this costume was to inspire women in all spaces across the universe to dream big, shoot for the moon and achieve something out of this world,” lahad niya sa isang social media post.
RIAN FERNANDEZ
Dalawang evening gowns naman ang nilikha ng international designer na si Rian Fernandez para sa 71st Miss Universe competition.
Inirampa ni Miss USA ang isang halter top magenta gown na may trumpet sleeves, habang suot naman ni Miss Cambodia ang isang purple and blue gown.
LOUIS PANGILINAN
Ipinagmamalaki din ng mga Pinoy ang designer na si Louis Pangilinan na siyang gumawa ng evening gown ni Miss Great Britain.
Ibinahagi pa niya ang inspirasyon sa likod ng kanyang disenyo.
Caption ni Louis sa isang Instagram post, “This Viva Magenta – Pantone body-hugging halter gown with side slit was fully hand-embellished with beads, sequins, and premium crystals that signifies her source of empowerment to encourage all women to push themselves, seek adventure, and be empowered in the workplace — the message she proudly take to Miss Universe 2022.”
Bukod diyan ay siya rin pala ang gumawa ng isinuot na yellow gown ni Miss Malta during preliminaries competition na ayon sa kanya ay tungkol sa modern transformational woman.
“Revealing a floor-grazing fully-beaded and crystallized gown with high slits on stage inspired from women’s passion and desire that beckons from afar that simply reveals a modern transformational woman,” sey ni Louis sa IG post.
FURNE AMATO
Naging maingay rin ang disenyo ni Furne Amato na isinuot na sparkling gown ni Miss Bahrain sa Miss Universe pageant.
Ang inirampa ng kandidta ay isang tribute para sa tradisyonal na kasuotan sa kanyang bansa.
LEO ALMODAL
Simple but elegant naman ang peg ng fashion designer na si Leo Almodal para sa ginawang gown kay Miss Universe Spain.
Makikitang plinex pa mismo ng beauty queen ang kanyang likha at proud na ipinakita ang kulay nude at off-shoulders na evening gown.
CARL ANDRADA
Dalawang gowns din ni Carl Andrada ang tampok sa Miss Universe pageant.
Isa na riyan ang pastel purple gown na may sweetheart neckline ni Miss Mauritius at ang nude illusion-inspired look ni Miss Seychelles.
EHRRAN MONTOYA
Ang designer na Ehrran Montoya naman ang gumawa ng national costume ni Miss Spain.
Proud na inirampa ng kandidata ang kanyang orange one-shoulder gown na tila may pormang rosas pa ang kanyang suot.
Related chika: