NAGHIYAWAN at pinalakpakan si Louise delos Reyes sa sagot niyang “Kebs” para sa mga nagtataka kung bakit at paanong nanalong Best Picture ang pelikula nilang “Deleter” sa nakaraang Metro Manila Film Festival Awards night noong December 27 na ginanap sa New Frontier Theater.
“Kebs!” tumatawang sabi ng aktres na ikinatawa rin ng co-actors niyang si Jeffrey Hidalgo at Nadine Lustre sa nakaraang Thanksgiving party na ginanap sa Greyhound Café, Rockwell, Makati City.
Tuloy pa ni Louise, “Kebs! Basta kami, proud lang kami sa movie namin at sa ginawa naming lahat. Hindi ko pinapansin ang nega comments at hindi ko rin sasagutin. Sobra lang akong nagulat sa result, overwhelmed.”
Wala sa bansa si Louise noong kasagsagan ng MMFF 2022 dahil ito ‘yung bonding time nila ng boyfriend niya kaya’t lumipad sila patungong Bali, Indonesia kaya nagugulat siya sa mga nababasa niya sa social media na malakas ang “Deleter” sa takilya at later on ay number one na ito.
At dahil sa success ng “Deleter” ay posibleng magkaroon ito ng sequel na pareho ang cast.
Hirit kaagad ni Louise, “Paano ako?”
Hindi na yata mapapasama ang karakter niya bilang multo na lang pero malay natin, sa likod ng imahinasyon at panulat ni Direk Mikhail Red ay walang imposibleng hindi masama ang aktres dahil sa kanya nagmula ang lahat kaya may nagmu-multo sa pelikula.
Hindi kaya prequel ang ibig sabihin ni direk Mikhail instead of sequel?
Anyway, inaming ang elevator scene nahirapan ng husto si Louise dahil wala pala talagang tao sa floor na ginamit nila as in madilim. Bale ba dalawa lang sila ng cameraman na sumakay sa elevator na super-dilim at ang namali pa ng pindot dahil nang bumukas ang pinto ay total darkness ito.
Sa kasalukuyan ay nasa lock in shoot na ng isang teleserye ngayon si Louise kaya ang saya-saya niya noong thanksgiving dahil may work na ulit siya for 2023.
Samantala, palabas pa rin ang “Deleter” sa mga sinehan na posibleng umabot ito sa P300M o baka umabot na nga? Any comments from Viva Marketing?
Related Chika:
Louise delos Reyes sa pakikipag-live in sa BF: Parang kasal din, wala lang papel
Louise delos Reyes ayaw nang makipag-love scene sa pelikula
Louise delos Reyes, Juancho Trivino bibida sa ‘Dwende at ang Herederang Gusgusin’ ng GMA
Louise Delos Reyes pinaglaruan ng aswang sa Haunted House