#Goals2023 ng celebs ibinandera sa socmed, ‘super ready’ na sa panibagong taon

#Goals2023 ng celebs ibinandera sa socmed, ‘super ready’ na sa panibagong taon

BAGONG taon, bagong buhay.

‘Yan ang karaniwang peg ng maraming Pilipino sa tuwing sasapit ang panibagong cycle ng isang buong taon o 365 na araw.

Dahil diyan ay nag-uumpisa na ring maglabasan ang mga panibagong goals at resolutions na nais abutin ng isang tao sa kanilang buhay bago matapos ang taon.

Kabilang na nga riyan ang ilang sikat na celebrities na masayang ibinahagi sa kanilang social media.

Inisa-isa ng BANDERA ang mga ito at narito ang kanilang mga nais ma-achieve ngayong 2023.

KYLA

Hoping ang singer na si Kyla na magkaroon ng masaya, mapayapa, at magandang kalusugan ngayong 2023.

“May our New Year be full of abundance, peace, love, laughter, good health, and simple joys. Wishing you all the things that make you smile in the New Year!!!,” sey ng singer.

MEGAN YOUNG-MIKAEL DAEZ

Excited at looking forward naman ang celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa mga magiging plano nila.

“We’re ready for 2023!!! (random emojis),” caption nila sa Instagram.

Patuloy pa nila, “Enjoying all our time with family because after the holidays, it might be a while before we see them again. So excited for our plans for the new year (heart eyes emoji)”

KEN CHAN

Para sa aktor na si Ken Chan, ang 2023 ay ang taon upang itama ang mga nagawang mali nitong 2022.

Caption niya sa Instagram, “All of us get the exact 365 days. The only difference is what we do with them. Cheers to a new year and another chance for us to get it right! (toast emoji).”

XIAN LIM

“You only live once” o YOLO naman ang peg ng singer-actor na si Xian Lim at sabi niya sa socmed, “For 2023, I just want to live life to the fullest. Let’s all get out of our comfort zone and start living (happy face emoji). Have more time for ourselves, family and friends.”

Aniya, “Expect nothing and appreciate everything.”

JESSY MENDIOLA

Excited naman ang model-actress na si Jessy Mendiola para sa kanyang bagong journey bilang first time celebrity mom.

“This 2023, our little family of 3 will finally be complete. I will miss your kicks in my womb but finally having you in my arms will surely make me fall in love with you even more (white heart emoji),” sey niya.

ERIK SANTOS

Isang sulat para sa kanyang sarili ang ibinahagi ng singer na si Erik Santos at ipinagdarasal daw niya na sana ay maging mabait ang taong 2023 sa kanya.

Chika niya sa Instagram post, “2022 was really a hard year for you. You have faced so many challenges. Breakdowns after breakdowns. Dealt with lots of frustrations, disappointments, anguish and deep sadness. Cried the most painful tears and fought so many silent battles. After everything, you are still standing strong, surviving… fighting.”

Patuloy pa ng singer, “Most of all, you always choose to remain gratefuI. I pray 2023 will be easier for you.”

ELISSE JOSON

Sa pamamagitan ng isang slimming product ay ibinandera ng aktres na si Elisse Joson ang kanyang goals ngayong taon.

Kabilang nga raw diyan ang healthy eating, more blessings, more bonding moments sa kanyang anak na si Baby Felize at siyempre ay ang pag-aalaga sa kanyang sarili.

RICHARD GUTIERREZ

Ang aktor na si Richard Gutierrez nais mapanatili ang pagiging “focused” at “motivated.”

“Looking forward to the year ahead but always staying focused and motivated in the present,” saad niya sa kanyang IG post.

RUFFA GUTIERREZ

Inisa-isa din ng beauty-queen actress ang kanyang target para sa taong 2023.

“Positive Vibes. Bigger goals. Better experiences. More happiness. Less pain. Fewer friends. Stronger relationships. More focused than ever. Bring it on, 2023!!,” lahad ni Ruffa sa social media.

Related chika:

#BalitangIna: First time celebrity moms ngayong 2022

#PaalamNa: Pagbibigay-pugay sa mga celebrity, bigating personalidad na pumanaw ngayong 2022

Read more...