Louise delos Reyes ayaw nang makipag-love scene sa pelikula | Bandera

Louise delos Reyes ayaw nang makipag-love scene sa pelikula

Reggee Bonoan |December 06,2019
facebook
share this

Louise delos Reyes ayaw nang makipag-love scene sa pelikula

Reggee Bonoan - December 06, 2019 - 12:20 AM

Naging busy sa kanyang puwesto sa isang bazaar si Louise delos Reyes nitong weekend at naulanan pa kaya medyo masama ang pakiramdam na dumalo sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “My Bakit List” na mapapanood na sa Dis. 11 mula sa Viva Films at BluArt Productions.

“Namaos kasi ako, binenta ko mga gamit ko. Ito ang ginagawa ko kapag wala akong work. Nag-enjoy naman ako lalo na kapag nagsusukli ako sa mga bayad nila, feeling businesswoman talaga,” esplika ng aktres.

Pangatlong pelikula na ng dalaga ang “My Bakit List” na ipalalabas ngayong taon, nauna na noong Pebrero ang “Hanggang Kailan” kasama si Xian Lim at “Sanggano, Sanggago’t Sangguwapo” kasama sina Andrew E, Janno Gibbs at Dennis Padilla.

Si Ivan Padilla ang makakasama ni Louise sa pelikula na mula sa direksyon ni Bona Fajardo. Inamin ng dalaga na noong ialok sa kanya ang “My Bakit List” ay inalam muna niya kung heavy drama ito dahil ayaw muna niyang gumawa ng ganito tulad ng movie nila ni Xian na kinunan pa sa Japan, “Napagod ako ro’n, kaya gusto ko sana light lang, good thing light drama lang itong My Bakit List.”

Hindi naman sinagot nina Ivan at Louise kung may love scene sila sa pelikula at kalaunan ay inamin din ng dalaga na ayaw muna niyang gumawa ng love scene dahil feeling niya naibigay na niya lahat sa pelikula nila ni Xian, “Hindi naman ‘yon kasi talaga ang gusto kong gawin. Sabi ko nga, may mga kapatid akong lalaki, at ayaw kong pati sila ay madamay sa mga ginagawa ko sa showbiz.

“Kaya po hindi rin ako pumapayag na lumabas sa mga men’s magazine noon, dahil hindi ko rin talaga gusto. So, sabi ko, sana sa ‘Bakit List’ wala muna.”

Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa isa pang kasama nila sa pelikula na si Prince Stefan. Natanong si Louise kung hindi ba niya nagustuhan ang gay actor noong magkasama pa sila sa GMA 7, “Hindi kasi at that time alam ko na (beki), may common friends kaming nagsasabi, tapos nag-out na nga, diba?”

Nagkatawanan naman ang press people nu’ng banggitin ni Louise na sigurado siyang lalaking-lalaki ang leading man niya sa “My Bakit List” na si Ivan dahil sa apelyido nitong Padilla. Nang ma-realize ng aktres kung bakit nagtawanan ang mga reporter at vloggers, “Ay! E, kasi iba na naman ang pangalan niya ngayon,” na ang tinutukoy nga ay si BB Gandanghari na dating si Rustom Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending