Louise Delos Reyes pinaglaruan ng aswang sa Haunted House
CERTIFIED blockbuster ang huling horror movie ng GMA Films na “The Road” na pinagbidahan nina Carmina Villaroel, Alden Richards, Louise delos Reyes, Rhian Ramos at TJ Trinidad, kaya naman sa latest offering ng movie outfit ng Kapuso station, isang matinding suspense-thriller na naman ang aabangan ng mga mahihilig sa katatakutang palaba.
Ang tinutukoy namin ay ang “Basement” na idinirek ng favorite naming horror director na si Topel Lee, kasama uli rito si Louise, with Sarah Lahbati, Kristoffer Martin, Dion Ignacio, Mona Louise Rey, Ellen Adarna at ang boyfriend niyang si Enzo Pineda.
Sa shooting ng “Basement” sa Uniwide mall sa Alabang, nakachika ng ilang members ng press si Louise na may super challenging na role sa movie, ayon sa Kapuso actress third horror movie na niya ito, una na ang “Shake Rattle & Roll” at ang “The Road”.
“Pero itong ‘Basement’, ibang klase rin ang level ng pananakot, although sa Shake Rattle & Roll merong aswang dito kasi may interaction talaga kami ng aswang tapos, suspense talaga kasi kahit ako nu’ng pinapanood ko yung preview nagugulat ako kasi parang, ‘Oh, andiyan na pala yan!’” chika ni Louise.
Matinding challenge kay Louise ang gumawa ng horror films dahil sa tunay na buhay ay matatakutin talaga siya, “Takot ako sa mga bagay na hindi ko pa nakikita like kunyari mga multo.”
Kuwento ng young actress, may mga experience na rin siya sa mga ligaw na ispiritu, “Hindi ko alam kung guni-guni ko ba yun pero nakakita na ako once at kinilabutan talaga ako nu’n.
Sa San Jose del Monte, may isang matandang bahay du’n kung saan kami nag-taping, tapos ano yun e, parang nag-ano siya, yung nanggaya siya ng tao.
“Dun ako natakot kasi nakita ko talaga umakyat yung CMB (set lighting staff) sa taas, tapos nu’ng nakita ko yun sabi ko,’ Oh sige, okay.’ Tapos biglang sabi nila bantayan ninyo yung ilaw sa itaas kasi walang nagbabantay.
Sabi ko, ‘Seryoso kayo walang nagbabantay diyan? May umakyat po diyan nakaputi!’ “Sabi, ‘Wala!’ Simula nu’n nagpapabantay na ako, to enter kasi ako sa isang eksena, sabi ko, ‘Bantayan ninyo po ako!’”
At dahil sa makatotohang pagganap ni Louise sa mga nakakatakot na eksena sa “Basement” ay puring-puri siya ni direk Topel, bukod dito, napaka-professional din daw ng dalaga dahil kahit maraming eksenang nakakapagod tulad ng takbuhan at sigawan ay wala itong reklamo.
Siyempre, masaya rin si Louise dahil magkasama sila ni Enzo sa movie, kahit na nga bilang na bilang ang eksena nila, “Hindi nga kami masyadong nagkasama dito, e.
Meron akong scene kasama siya pero isa lang yun, patay pa siya. Ha-hahaha!” Nu’ng una medyo weird lang na magkasama sila sa shooting, “Hindi kasi parang sanay ka na makita siya na siya, hindi mo siya nakikita bilang artista na, ‘Eto ako sa taping.’
Alam mo yun? Iba kasi ang ugali ng mga tao kapag nakikita mo na sa taping, e. May kanya-kanyang routines, kumbaga, so iyon nakikita ko lang yung, isang shoot lang kami nagkasabay, e.
“Ay, twice pala. Yung first hindi kami magkasama sa eksena mas nauna akong natapos sa kanya tapos yung pangalawa, isang eksena niya patay pa siya,” sabay tawa ni Louise.
Maganda na ang takbo ng relasyon nila ni Enzo, bagay sa kanila ang kasabihang love is lovelier the second time around matapos nga silang magbalikan after a few months of being separated, “Siyempre inspired din ako na mag-weekends, kasi parang mas malaki yung time na magkasama kami since meron kaming mga technical rehearsals so parang nagiging isa na lang yung minsan yung work and yung personal and yung friends namin so nakaka-inspire in a way na ibang-iba na siya kumpara noon.
“Ngayon nakakasama na niya ako kasama ng mga kaibigan niya so parang nagiging isa na lang yung mundo tapos kahit sa gym magkasama din kami.
Parang ini-inspire niya ako in a way na nagiging masipag ako sa mga priorities ko like siyempre kailangan ko ring maging healthy, hindi puwede puro fastfood yung kinakain ko kailangan ko ring mag-diet, yung mga ganun,” kuwento ni Louise.
Mas seryoso na ba sila ngayon sa commitment nila sa isa’t isa,“Siguro ano lang mas naging matanda yung tingin namin sa pagmamahal, mas deeper yung understanding.”
Tinanong si Louise kung payag na ba siyang mag-pose sa men’s magazine para medyo mag-mature na ton yng image niya sa publiko, “Ayokong magsalita ng tapos pero ngayon ayoko.
Parang hindi pa kasi tama sa edad, parang yung market parang iniisip ko din yung market ko parang hindi pa sa ganu’ng level.
“So iniisip ko parang, hanggang kaya ko pa na maging ganito yung character ko, ganito na lang muna tsaka ko na lang iisipinyung mga ganu’n,” sey pa ng Kapuso leading lady.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.