IPINASARA ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ang Kentucky Fried Chicken (KFC) branch sa Barangay Kapasigan.
Ang dahilan, walang kaukulang permit at may problema sa drainage system.
Sa isang Twitter post, ibinunyag ni Pasig Mayor Vico Sotto na ang wastewater ng nasabing fast food chain ay direktang itinatapon sa malapit na sapa.
“Pinasara ng LGU ang KFC Kapasigan kanina,” tweet ng alkalde.
Kwento pa niya, “Grabe yung kapal ng sebo, waste water nila diretso sa Parian Creek. Wala ring Environmental Permit to Operate.”
Pinasara ng LGU ang KFC Kapasigan kanina.
Grabe yung kapal ng sebo, waste water nila diretso sa Parian Creek. Wala ring Environmental Permit to Operate.
Maaari silang magbukas ulit kapag may EPO na.
I love KFC, but I share this as a warning to other establishments. #FollowDLaw pic.twitter.com/cqnhGZ1X0o
— Vico Sotto (@VicoSotto) January 12, 2023
Pero sinabi naman ni Mayor Vico na posible pang magbukas ulit ang Kapasigan branch kung mabibigyan na ito ng hinihinging permit.
“Maaari silang magbukas ulit kapag may EPO na,” tweet ng mayor.
Saad pa ni Mayor Vico na isa itong babala sa iba pang establisyamento na sumunod sa tamang proseso at patakaran ng LGU.
“I love KFC, but I share this as a warning to other establishments,” sey ng alkalde.
Samantala, naglabas na ng pahayag ang KFC Philippines at tiniyak naman nila na nakikipag-ugnayan na sila sa Pasig LGU, pati na rin sa mga environmental agencies.
“KFC is working closely with the LGU regarding the issues raised by Mayor Sotto,” saad ng fast food restaurant chain.
Dagdag pa nila, “We have also coordinated with concerned agencies such as the Laguna Lake Development Authority and Department of Environment and Natural Resources to make sure we are complying with all the pertinent local and national environmental regulations.”
Ani ng kompanya, “We fully support Mayor Vico Sotto’s program to make Pasig City a haven for environment-friendly establishments.
“Rest assured that this is on top of our priority list. Thank you.”
Read more:
Nadine pinasalamatan ni Andi sa pagbo-volunteer sa SEA movement