Ivana Alawi nagdiwang ng 26th birthday, namigay ng regalo, pera sa mga batang may sakit

Ivana Alawi nagdiwang ng 26th birthday, namigay ng regalo, pera sa mga batang may sakit

MARAMING bata ang napasaya ng aktres at social media influencer na si Ivana Alawi sa kanyang kaarawan.

Sa latest YouTube video ng vlogger ay namigay siya ng regalo sa mga batang naka-confine sa ilang ospital sa Quezon City.

Ayon kay Ivana na nagdiwang ng kanyang 26th Birthday noong araw ng Pasko, binigyan niya ng mga laruan at tig-P5,000 ang hindi bababa sa 50 bata na nasa Philippine Children’s Medical Center at National Children’s Hospital.

Bukod diyan ay hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa mga bumati at nakaalala sa kanya.

Sey ni Ivana, “So maraming salamat sa mga nakaalala at bumati at nag-send ng love. Thank you so much guys at ang gagawin natin for today is magbabalot tayo ng mga gifts.”

Dagdag niya, “Alam kong maraming batang may sakit na nagse-celebrate ng birthday nila sa ospital at hindi nila gusto.

“Siyempre gusto natin nando’n tayo sa labas. Very malapit sa puso namin ‘yung mga kids na may sakit at nasa ospital kasi alam namin ‘yung feeling kung gaano kabigat at gaano kasakit.”

Chika pa niya, “Si Mona, doon siya na-ospital before and nakita ko ‘yung mga kids doon.

“Naalala ko lang sila at gusto ko silang maging masaya. So may gifts tayo, may cash tayo na ibibigay.”

Kasama din ni Ivana sa kanyang vlog ang kapatid niyang si Mona na alam naman nating lahat ay mayroong sakit na Diabetes at sinabi nga nito na kahit siya raw ay nakaka-relate sa mga pinagdadaanan ng mga batang nasa ospital.

“Andoon din ako before, like, ilang beses…and giving them something para mapasaya sila, to help them give them hope makes me happy,” sey ni Mona.

Hindi naipakita sa video ang pamimigay mismo ng mga regalo bunsod na rin ng mahigpit na COVID-19 protocols sa mga ospital.

Pero mapapanood sa mismong ang vlogger pa ang nag-shopping at nagbalot ng kanyang mga ibibigay.

“Hindi ako makakapunta sa ospital kasi siyempre ospital ‘yun… So ang target natin is makapagbigay ng 5,000 pesos per kid tapos gift. 50 children para 250,000 pesos and ‘yan marami ang magiging masaya, maliit na tulong from our heart,” sabi ni Ivana.

Dagdag pa niya, “So ito ay mula sa ating lahat. Hindi lang ito galing sa akin.

“So itong gift ay may 5,000 pesos para ay pangtulong sa pangbayad sa ospital nila, sa mga gamot, so this is from all of us sa suporta niyo sa panonood ng vlogs, sa pag-support sa Ivana Skin.”

Related chika:

Read more...