KA-JOIN ang premyadong aktres na si Maja Salvador, Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at National Artist na si Ricky Lee sa mga bibigyan ng “star” sa 2023 Eastwood City Walk of Fame.
Rarampa ang tatlong celebrities sa gaganaping event para kilalanin at parangalan ang mga natatanging personalidad na gumawa ng marka sa entertainment industry.
Ito’y magaganap sa January 18 sa Central Plaza of the Eastwood City Complex, Quezon City.
Bukod kina Maja, Hidilyn at Ricky, tatanggap din ng kani-kanilang star sa Eastwood City Walk of Fame sina ABS-CBN News journalist Mario Dumaual (para sa news and public affairs); singer Janet Basco, (music); broadcaster Gerry Baja (radio); and dancers Ranz Kyle and Niana Guerrero (social media).
Ang National Artist for Theater namang si Tony Mabesa na pumanaw noong October, 2019, ay bibigyan ng posthumous recognition.
Ang Eastwood City Walk of Fame ay ibinase sa Hollywood Walk of Fame na na-establish noong 2005 sa pangunguna ng TV at movie icon na si German Moreno.
Nang mamaalam si Kuya Germs, ang kanyang anak na si Federico Moreno ang nagpatuloy ng nasimulang adbokasiya ng yumaong star builder.
Sa ngayon, ang German Moreno Walk of Fame Foundation ay meron nang mahigit 300 personalities mula sa iba’t ibang larangan, mula sa TV, film, music, hanggang sa sports at news.
Ang gaganaping Walk Of Fame next week ay ang pagbabalik ng event after three years. Huling nagbigay ng star ang WOF noong January, 2020.
Ilan sa mga kinilala noon ay sina Edu Manzano, Catriona Gray ay Jo Koy.
Related chika:
Singer ng ‘Fame’ at ‘Flashdance’ na si Irene Cara pumanaw na sa edad na 63