Singer ng 'Fame' at 'Flashdance' na si Irene Cara pumanaw na sa edad na 63 | Bandera

Singer ng ‘Fame’ at ‘Flashdance’ na si Irene Cara pumanaw na sa edad na 63

Ervin Santiago - November 27, 2022 - 12:25 PM

Singer ng 'Fame' at 'Flashdance' na si Irene Cara pumanaw na sa edad na 63

Irene Cara

NAGLULUKSA ngayon ang mga kapamilya, kaibigan at tagasuporta ng Oscar-winning singer at aktres na si Irene Cara matapos mabalita ang kanyang pagkamatay ngayong araw. Siya ay 63 years old.

Si Irene Cara ang nagpasikat ng mga kantang “Fame” at “Flashdance… What a Feeling” na ginamit din bilang titulo ng mga pelikula sa Hollywood.

Kinumpirma ni Judith A. Moose, presidente ng JM Media Group Publicist, ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Twitter.

Ayon sa ulat, pumanaw ang beterana at premyadong singer sa kanyang tahanan sa Florida nitong nagdaang Biyernes.

“It is with profound sadness that on behalf of her family I announce the passing of Irene Cara.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Irene Cara (@theirenecara)


“The Academy Award-winning actress, singer, songwriter and producer passed away in her Florida home,” ang pahayag ni Judith Moose.

Dagdag pa niya, “Her cause of death is currently unknown and will be released when information is available.”

“This is the absolute worst part of being a publicist. I can’t believe I’ve had to write this, let alone release the news.

“Please share your thoughts and memories of Irene. I’ll be reading each and every one of them and know she’ll be smiling from Heaven. She adored her fans.

“She was a beautifully gifted soul whose legacy will live forever through her music and films,” ang sabi pa ng publicist ni Irene Cara.

Nabanggit din niya na humiling ng privacy ang pamilya ni Irene Cara habang ipinagluluksa ang kanilang pinakamamahal na kapamilya

Wala pa ring inilalabas na detalye kung kailan ang petsa ng libing at burol at kung bubuksan ito para sa kanyang supporters na nagnanais mamaalam sa kanya sa huling pagkakataon.

Nakilala rin si Irene Cara bilang aktres sa musical drama na “Sparkle” na ipinalabas noong 1976.

Ang pagganap naman niya sa pelikulang “Fame” ay nagbigay sa kanya ng isang Golden Globe nomination para sa Best Actress.

Ang kanta niyang “Flashdance” ay nanalo naman sa Grammy awards, ang Best Album of Original Score Written for a Motion Picture o A Television Special at Best Female Pop Vocal Performance.

Kapatid ni Mahal, mabigat ang loob sa pagpanaw ng komedyana: Sana hindi ko na lang sinabi ‘yun

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zanjoe mabentang-mabenta bilang leading man: Baka kasi kumonti na lang yung pagpipilian nila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending