Pak Ganern: OOTD ni Celeste Cortesi parang nag-apply ng trabaho sa Miss Universe 2022 preliminary interview
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
CELESTE CORTESI
PAK na pak ang Miss Universe 2022 personality interview ng bet ng Pilipinas na si Celeste Cortesi dahil sa kanyang bonggang-bonggang paandar.
Talagang kinarir ng dalaga ang nasabing Miss Universe event suot ang kanyang OOTD. Ang inakala ng lahat na pasabog na casual o pangrampa dress ni Celeste ay hindi nangyari.
Dahil sumabak sa preliminary interview ang dalaga na naka-suit with matching a Philippine map-shaped brooch at nakapusod na para talagang mag-a-apply ng trabaho.
“One of the words that will never fail to describe Celeste is authentic,” ang nakasulat sa caption ng litratong in-upload sa Instagram page ng Miss Universe Philippines.
Komento ng ilang netizens, talagang “trabaho” at opportunity ang tingin ni Celeste sa pagiging Miss Universe kaya naman isinapuso niya ang nasabing interview.
Patunay din daw ito na seryoso at desidido si Celeste na maiuwi ang Miss Universe crown.
Like (Miss Universe Organization president) Paula Shugart said, the pageant itself is an extended job interview. And Celeste did just that, dressed the part to interview for a job that she is destined to have.”
“Formal or business suit? Yes it is! It means she is serious and sincere like applying for a job. Miss Universe is her job. Period!”
Sa isang video na ibinahagi sa Miss Universe Instagram Stories, sinabi ni Celeste na gagawin niya ang lahat para maging proud sa kanya ang sambayanang Filipino at ang buong universe.
“It is my honor to represent the Philippines. And I really want to step into this competition wanting to be authentic, wanting to be myself, and share my story to others,” sey ni Celeste.
Ang 71st Miss Universe pageant ay gaganapin sa New Orleans, Louisiana, USA sa January 14 (January 15 sa Pilipinas).
Kung papalarin siya na ang magiging ikalimang Miss Universe ng Pilipinas. Ang apat na Miss Universe titleholders sa bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).