Celeste Cortesi agaw-eksena sa gold OOTD sa Miss Universe gala dinner: ‘Angelina Jolie ang peg! Bongga!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Celeste Cortesi
AGAW-EKSENA ang OOTD ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa isang bonggang event ng Miss Universe Organization ilang araw bago ang grand coronation day sa January 15.
“Go for gold” ang peg ng evening dress ni Celeste para sa ginanap na gala dinner sa New Orleans, USA, na dinaluhan ng mga delegates all over the universe sa pangunguna ni Anne Jakrajutatip, ang bagong may-ari ng Miss U.
Makikita ang winning form ng Filipina beauty queen sa mga litrato at video na in-upload sa Miss Universe Philippines organization kahapon kung saan nagningning sa suot niyang dark gold sleeveless gown with matching thigh-high slit.
Tinernuhan din ni Celeste ang kanyang OOTD ng cream-colored fur coat with brown accents na mas nagpabongga pa sa kanyang complete aura.
Ayon sa MUPH, ang gown na suot ni Celeste ay mula sa designer na si Michael Leyva habang si Perry Tabora naman ang nagsilbing stylist ng dalaga.
“She is going for (sparkles) GOLD (sparkles),” ang nakasulat sa Facebook page ng MUPH.
“Our Miss Universe Philippines @celeste_cortesi draped in this beauty for tonight’s dinner event,” dagdag pang caption ng organizers.
Bukod dito, may pa-Facebook Reel pa ang MUPH kung saan mas makikita nang malapitan ang OOTD ni Celeste.
“Our Miss Universe Philippines @celeste_cortesi stands out from the crowd as they await the start of tonight’s dinner event,” ang nakasulat sa caption na may kasunod pang sparkles at heart-on-fire emoji.
Pinuri naman ng mga netizens ang look ni Celeste sa nasabing gala night kung saan napalingon talaga sa kanya ang ilang bisita.
“Shades of gold look good on her… She’s nailing it. Wishing and praying the stars will align in her favor in the finals this Sunday.”
“Perfect look and elegance… She always did her best. Kudos sa stylist and of course, kay Celeste, kasi ang ganda niya magdala.”
“Super beautiful lady in GOLD.”
“Ang ganda nya pero suggestion ko lang mag gusto ko nakapusod ang hair nya o kaya kung nakalugay man yung parang nag wave yung hair nya kasi kung sobrang straight wala masyadong emphasis mas sophisticated ang medyo sabog ng konti yung hair flowy lang.”
“Kala ko na wax figure si celeste cortesi! Iba ang ganda nangingibabaw! I love you!”
“Angelina Jolie ang peg with da collarbone and straight hair. I’m lovin it.”
“Wowowow our Queen is out of this world. Filipino designers the one consistently winning at Miss Universe.”
“It reminds me of the prelim gown of alaiza malinao MUPH 2020 sp gorgeous.”
Umaasa ang sambayanang Filipino na maiuuwi ni Celeste ang ikalimang fifth Miss Universe crown ng Pilipinas sa ika-71 edisyon nito na gaganapin sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, USA.