Jolina ibinandera ang pagmamahal at pasasalamat kay Mark: ‘Lagi mo inuuna ang happiness namin bago yung sa ‘yo’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jolina Magdangal, Mark Escueta, Pele at Vika Escueta
IBINANDERA ng Kapamilya actress at TV host na si Jolina Magdangal ang abot-langit na pagmamahal at pasasalamat sa kanyang asawang si Mark Escueta.
Isang appreciation post ang ibinahagi ni Jolens sa social media upang ipagsigawan sa buong universe kung gaano siya kaswerte na si Mark ang naging asawa niya at naging tatay ng mga anak.
Ito’y bilang pagbati na rin ni Jolina sa drummer ng bandang Rivermaya na nagdiwang ng kanyang 46th birthday kahapon, January 9.
Nag-share ang aktres sa Instagram ng mga photos nila ni Mark kasama ang kanilang mga anak.
“Happy happy birthday to the best person that holds the happy memory box in our hearts so dearly.
“Lagi mo inuuna ang happiness namin bago yung sayo. So much love, respect and adoration for you mahal,” ang nakasaad sa caption ni Jolens.
Kasalukuyang nasa Singapore ang pamilya nina Jolina at Mark with their kids Pele and Vika. Doon nga nag-celebrate ng birthday si Mark.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumabas ng bansa ang pamilya nina Jolens sa labas ng Pilipinas makalipas ang halos tatlong taon dahil sa pandemya.
“First family travel out of the country for Papa’s birthday!!!! Daming pinagdaanan ng travel na to. Haha! Basta ang importante matupad ang goal namin para sa 2023. Advance Happy birthday Mahal!!!” ani Jolens.
Ipinost din ng TV host ang mga litrato nila na kuha sa pamosong Gardens by the Bay sa Singapore. Sey ni Jolina sa caption, “Sinadya namin pumunta dito kasi magaganda daw ang halaman… at totoo nga!!!”
Ikinasal sina Jolina at Mark noong November 19, 2011 sa isang Christian ceremony. Sinundan pa ito ng isang garden wedding sa Tagaytay noong November 21, 2011.