Maxene Magalona nagbabala tungkol sa mga pekeng kaibigan: ‘They are very, very real’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Maxene Magalona
SINO nga kaya ang pinatatamaan ng Kapamilya actress na si Maxene Magalona sa kanyang cryptic post na may kinalaman sa mga taong “fake” at mapagkunwari.
Napaisip ang mga social media followers ni Maxene nang mabasa ang inilagay niyang caption sa ilang litratong ibinahagi niya sa kanyang Instagram Story ngayong araw.
May kaugnayan kasi ito sa mga taong manloloko at mga pekeng kaibigan pero wala siyang binanggit kung personal na experience niya ito o ng kanyang mga kapamilya at kaibigan.
Pagbibigay babala ng anak ng yumaong Master Rapper at OPM legend na si Francis Magalona sa madlang pipol, “Beware of fake friends. They are very, very real.”
“Protect your energy,” pahabol pang paalala ni Maxene.
Marami namang nagkomento sa kanyang post at karamihan ay nagtatanong kung sino ang mga taong tinutukoy niya at kung paano raw siyang nabiktima ng mga “fake friends.”
Comment ni Iza Calzado, “Wisdom truth.”
Sey naman ni Lovi Poe, “Ganda nitoo.”
Sa isa pa niyang IG post, ipinost ni Maxene ang isang paboritong bahagi ng nabasa niyang libro.
“Is it really intelligent to devote your life to fighting with life so it aligns with your past good and bad experiences?
“How can you enjoy life if you are always worrying and struggling to get it your way? That’s what all of our societies are doing, and that’s what almost every human being has done.
“People just haven’t evolved enough to learn not to do that. Rich people, poor people, sick people, healthy people, married people, single people—they are all bound in the same way.
“If they get what they want, they are relatively okay. If they don’t get what they want, they suffer to a greater or lesser extent.
“Fortunately, you do not have to live this way. There is a much higher way to live life. But it requires that you change how you interact with your mind and with the life unfolding before you. — @michael_a.singer, #LivingUntethered.”
Sabi pa niya, “Are you willing to change for the better this year? Learn to let go and just let life flow?”