Xian Gaza umaming ginamit lang ang ex-dyowa, payo sa mga kabataan: ‘Huwag na huwag makikipag-live in sa murang edad’

Xian Gaza umaming ginamit lang ang ex-dyowa, payo sa mga kabataan: 'Huwag na huwag makikipag-live in sa murang edad'

Xian Gaza

PAYO ng kontrobersyal na social media personality na si Xian Gaza sa mga kabataan — huwag na huwag maikikipag-live in sa inyong mga dyowa.

Ayon sa internet sensation at negosyante, wala raw itong magandang maidudulot sa mga magkarelasyon lalo na sa mga estudyanteng umaasa pa sa kanilang mga magulang.

Nag-post si Xian sa kanyang Facebook account tungkol sa isyu ng pakikipag-live in nitong nagdaang Linggo, January 8.

“Kung lumabas ito sa news feed mo at isa kang Generation Z, gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong mangyari eh, huwag na huwag ka makikipag-live in sa murang edad,” ang simulang pagbabahagi ng binatang ama.

Pagpapatuloy pa niya, “Wala itong magandang maidudulot sa iyong isipan at pagkatao. It will do more harm than good.

“Kahit pa magkaanak kayo, huwag! May tamang panahon para diyan. Take it from a guy na nakipag-live in sa edad na 19,” aniya pa.


Ang advice pa ni Xian, hangga’t kakayanin ay abangers muna sa edad na 25 pataas bago makipag-live in para raw medyo matured o emotionally prepared na pagdating sa pakikipagrasyon.

“Hintayin mo munang umedad ka ng 25 pataas until such time na matured enough ka na at kaya na ng mental health mo yung pakikipag-live in,” aniya.

Diretsahan ding inamin ni Xian ang  tungkol sa panggagamit niya sa kanyang ex-girlfriend na si Irish Tan na una niyang nabanggit sa “Exclusive Tell-All Interview” ng content creator na si Chino Liu o mas kilala bilang si Krissy Achino.

Sey ni Xian, nagtagal din ang relasyon nila ni Irish ng 11 buwan (July 2018 hanggang June 2019). Sagot niya sa tanong kung totoong minahal niya ang ex dyowa, “Let’s be honest, sobra to a point na mahal ko siya at the same time kailangan ko siya kasi during that time walang-wala talaga ako.”

“Sobrang nakakababa, parang feeling ko tae ako pero no choice ako. Kapag dumating ka sa punto na kahit pagkain pinoproblema mo, yung pang araw-araw pinoproblema mo. Wala kang choice kailangan mong kumapit.

“Wala sa tamang hulog ang pag-iisip ko that time, nilalamon ako ng depresyon. Imagine pugante ako nagtatago ako sa Pilipinas dahil mayroon akong warrant of arrest tapos walang-wala ka sa buhay. So yung line of thinking ko that time hindi talaga tama,” aniya pa.

“I cheated on her tapos ginamit ko rin siya, aminado ako,” pag-amin ni Xian. Pero paglilinaw niya, “Minahal ko siya, tanggap ko kung sino siya, yung pagkatao niya pero hindi ko matanggap kung ano siya.”

“Noong nalaman ko ang totoo niyang trabaho, parang hindi ko na matanggap pero doon sa point na hindi ako umi-exit sa kaniya dahil hindi ko na matanggap yung work niya, I can say ginamit ko siya.

“100% kahit mamatay pa ang mga mahal ko sa buhay right now, dahil nakita ko mismo dahil ako nag-ooperate ng mga clients niya, and everything dahil kami ang magkasama sa abroad habang work niya ‘yon,” sabi pa ni Xian.

Oyo sinunod ang payo ni Bossing nu’ng kasal nila ni Kristine: ‘Wag mo lang ako gagayahin, okay ka na!’

Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

Ellen Adarna sa netizen na humingi ng payo ukol sa mga manloloko: ‘Di na uubra and advice sa ‘yo!

Read more...