Tatay ni McCoy ayaw nang magsalita sa paghihiwalay ng anak at ni Elisse: 'Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensiya na po' | Bandera

Tatay ni McCoy ayaw nang magsalita sa paghihiwalay ng anak at ni Elisse: ‘Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensiya na po’

Ervin Santiago |January 10,2023
facebook
share this

Tatay ni McCoy ayaw nang magsalita sa paghihiwalay ng anak at ni Elisse: ‘Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensiya na po’

Ervin Santiago - January 10, 2023 - 08:15 AM

Tatay ni McCoy ayaw nang magsalita sa paghihiwalay ng anak at ni Elisse: 'Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensiya na po'

Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Feline

TUMANGGING magbigay ng komento ang tatay ni McCoy de Leon hinggil sa kontrobersyal na paghihiwalay ng kanyang anak at ng Kapamilya actress na si Elisse Joson.

Ayaw nang magsalita ni Mark de Leon hinggil sa breakup ng kanyang anak at ni Elisse dahil baka mas lalo lamang madiin si McCoy sa mga pangyayari.

Humingi rin siya ng paumanhin dahil hindi pa siya makapagbibigay ng komento sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang anak na ninenega ng ilang netizens dahil siya ang sinisisi ng mga ito kung bakit nasira ang pagsasama nila ni Elisse.

Ipinagdiinan ni McCoy na walang ibang taong involved sa paghihiwalay nila ni Elisse kasabay ng pagtanggi na may relasyon sila ng TikTok personality na si Mary Joy Santiago.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)


Sa latest YouTube vlog ni Ogie Diaz, kasama sina Mama Loi at Mrena, napag-usapan ang paghihiwalay nina McCoy at Elisse. Sabi ng talent manager, tinanong niya ang tatay ni McCoy about the breakup.

Sey ni Ogie, kaibigan niya ang tatay ni McCoy kaya ito na ang kinontak niya para tanungin tungkol sa hiwalayang McLisse.

Sabi ni Ogie, “Sabi ni Mark sa text, ‘Pasensya na boss Ogs, sa ngayon hindi po ako makakapagsalita. Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensiya na po.'”

Hindi rin diretsahang sinagot ni Ginoong Mark kung may katotohanan ang akusasyon ng mga netizens na may ibang babae ang kanyang anak kaya hiniwalayan siya ni Elisse.

Matatandaang nag-post si McCoy ng litrato nila ng kanyang anak na si Felize na may makahulugang caption kung saan nagpahiwatig nga ang aktor na matagal na niyang hindi nakakasama ang anak.

Kasunod nito, noong January 3, 2023 at nag-trending sa TikTok ang isang video kung saan magkasama sina McCoy at Mary Joy Santiago na siyang itinuturong third party sa hiwalayang McLisse.

Noong January 4, inamin ni McCoy na totoong naghiwalay na sila ni Elisse kasabay ng paghingi ng paumanhin sa lahat ng mga supporters nila na nalungkot at nadismaya sa mga nangyari.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Elisse tungkol sa paghihiwalay nila ni McCoy.

Nitong nagdaang January 6, 2023, ay ipinagdiwang si Elisse ang kanyang 27th birthday kasama ang anak na si Felize sa Hong Kong Disneyland.

McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao

Elisse ibinuking kung bakit nai-stress pa rin si McCoy kahit may mga negosyo at 2 building na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

McCoy laging tinatanong kung kailan pakakasalan si Elisse: Ayaw naming biglain, ayaw naming madaliin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending