Matet kay Ate Guy: ‘Ang Diyos nga nagpapatawad, e…ang mali ko lang sinabi kong hindi ko na siya kakausapin, hindi ko pala kaya’

Matet kay Ate Guy: 'Ang Diyos nga nagpapatawad, e...ang mali ko lang sinabi kong hindi ko na siya kakausapin, hindi ko pala kaya'

Matet de Leon at Nora Aunor

ANG Superstar na si Nora Aunor ang unang gumawa ng hakbang para magkaayos na sila ng kanyang anak na si Matet de Leon.

Yan ang ibinalita ng aktres sa madlang pipol matapos maglabasan ang chika na siya ang nag-initiate ng pagbabati nila ni Ate Guy.

Sa kanyang YouTube channel, naglabas ng vlog si Matet para ibahagi sa kanyang mga tagasuporta at subscribers ang nangyari sa muling pagkikita nila ng kanyang ina.

Mismong siya na ang nagkumpirma na totoong nagkausap at nagkaayos na sila ni Ate Guy matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan tungkol sa negosyo.

Kinumpetensiya kasi ng Superstar si Matet sa kanyang gourmet tuyo at tinapa business. Nagulat na lang ang aktres na ginaya na ng ina ang negosyo na pinalalago nila ng asawa.


“Nag-chat sa akin si mommy na sana maging maayos na, maging okay na kami, na sana kasi bagong taon kaya kalimutan na natin yung mga nangyari nitong nakaraan,” pagbabahagi ni Matet.

“Bago mag-Christmas, I wanted to send mommy a message na maayos na pero nauna si mommy na magchat sa akin. I think that’s God’s way para maging maayos ang lahat,” aniya pa.

Agad daw niyang tinaggap ang sorry ni Ate Guy dahil ayaw na niyang patagalin pa ang samaan nila ng loob at para matahimik na rin ang kanilang pamilya mula sa intriga at kontrobersiya.

“Who am I not to say yes to that and not to agree with her? Ang Diyos nga nagpapatawad. Ang mali ko lang doon, sinabi ko na hindi ko na siya kakausapin. Hindi ko pala kaya,” sabi pa ni Matet.

Inamin din ni Matet na matinding galit ang nagtulak sa kanya para isapubliko ang kanyang nararamdaman.

“Kami ni mommy ko ay nagkaayos na. Nakita na nila, nag-upload na ng video si Kuya John (Rendez). I think I spoke too soon when I said I didn’t want to talk to her anymore. See what anger can do?” ani Matet.

Nabanggit kasi ng aktres sa isa niyang social media post noong nagdaang December, 2022 na hinding-hindi na niya kakausapin kahit kailan ang ina dahil sa nangyari.

Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Matet de Leon pumalag sa basher na nagsabing ‘laos’ na siya: Hindi po nalalaos ang supporting actors

Cristy Fermin pinayuhan si Nora at ang 5 anak na manood ng ‘Family Matters’

Read more...