Toni Fowler binanatan ng bashers matapos mag-react sa ‘paghihirap’ ni Donnalyn: ‘Nakaamoy na naman ng pagkakaperahan’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
IBA’T IBANG reaksyon mula sa mga netizens ang nabasa namin sa naging pangaral ng vlogger at social media influencer na si Toni Fowler kay Donnalyn Bartolome.
Hindi man binanggit ni Toni o mas kilala bilang “Mommy Oni” sa socmed, kung sino ang pinatatamaan niya sa kanyang aria sa Facebook ay knows na raw ng kanyang followers at bashers kung sino ito.
May kumalat kasing litrato ni Donnalyn na sinasabing ebidensiya raw na totoong naranasan nito ang matinding paghihirap bago sumikat at gumanda ang buhay.
Hirit ni Toni sa kanyang Facebook post, “Yung naglabas ka pa ng picture just to justify na nahirapan ka talaga, pero maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka-kulot sa trabaho.
“Di alam neto kung ano ang totoong ‘paghihirap’ kaya nag react mga tao. Iba yung nag STRUGGLE sa NAGHIRAP. Masyadong patunay para lang maka connect sa masa. Pass ako diyan boss,” aniya pa.
Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa FB ni Toni.
“Nakaamoy na naman ng pagkakaperahan.”
“Lahat sasawsawan mag ka pera lang e HAHAHAHA!”
“Hilig tlga makisawsaw ang mga feeling relevant na mga vlogger.”
“Sawsaw ka na naman, amaccana acla.”
“Ba’t parang ang daming galit senyo kay Toni? Eh opinyon niya yun, atleast Toro family hindi nang gagaslight at alam ang salitang paghihirap.”
“Ayan na si acla nakisali na.”
“That’s not so ‘ b*tch na peke’ of you mommy Toni.”
“Si idol pala to eh!”
“Omsim. Kay Mommy Oni parin ako.”
“Isa pong b*tch na peke ang dami mong dada, mami oni.”
“Sino nagtanong sayo toni tanga ka ba?”
Pero hindi ito basta pinalampas ni Toni at talagang sinagot ang mga bashers. Aniya, naki-react lang siya sa mga viral post na nakikita niya sa socmed.
“Hindi ako nakikisali. Bilang TOTOONG NAGHIRAP NAKIKIREACT LANG SA MGA VIRAL NA POST. Kung ayaw nyo makita edi unfollow.
“Ano kayo lang pwede mag comment? Freedom of speech sa sarili kong account 2023 na hindi nyo pa din alam yon?” hirit pa ng vlogger.
Binanatan si Donnalyn ng madlang pipol pati na ng mga kapwa niya sikat na content creator at ilang celebrities dahil sa ibinahagi niyang opinyon hinggil sa “balik-trabaho” ng mga Pinoy pagkatapos ng holiday.
“Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?
“Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work.
“If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet. Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!” ang viral post ni Donnalyn.
Tinawag pa siyang “patron saint of labor and employment,” dahil sa throwback photo niya na kumakalat ngayon sa ilang Facebook groups kung saan makikita siyang nakasuot ng white gown with matching crown pa.