Marian ipinaliwanag kay Zia ang pagiging artista nila ni Dingdong: Kailangan malaman niya kung ano ba talaga ang trabaho ni Mama at ni Dada

Marian ipinaliwanag kay Zia ang pagiging artista nila ni Dingdong: Kailangan malaman niya kung ano ba talaga ang trabaho ni Mama at ni Dada

Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zia at Sixto Dantes

AMINADO ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na mas natural at mas magaling ang anak niyang si Zia Dantes kapag nasa harap na ng mga camera.

Napatunayan yan ng actress-TV host sa ilang beses nang pagsalang ng panganay nila ni Dingdong Dantes sa mga commercial shoots and pictorial.

Ayon kay Yanyan, medyo exposed na rin kasi si Zia sa mga nangyayari sa production dahil kadalasan ay dinadala nila ang bagets, pati na rin ang bunsong si Ziggy kapag nagtatrabaho sila ni Dong.

Sa interview kay Marian ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, natanong siya kung naipaliwanag na ba nila ni Dingdong sa dalawang anak ang kanilang trabaho.

Sey ni Marian, bukod sa shooting ng kanilang mga commercial, madalas nilang isama sina Zia at Ziggy sa set ng sitcom nila noon na “Jose & Maria’s Bonggang Villa.”

“Siguro dumating kami sa punto ni Dong bilang seven years old na si Zia, siguro dapat na niyang malaman din, although alam naman niya artista kami.


“Nag-usap kami ni Dong, sabi namin siguro it’s about time na malaman talaga ni Zia kung saan talaga nagmula,” pahayag ni Yanyan.

Pagpapatuloy pa niya, gusto nilang maipaliwanag nang mabuti sa mga anak kung saan nanggaling ang lahat ng mga nakikita nila ngayon sa kanilang bahay.

“Na-build namin yung dream house namin, na-extend namin sa mga mahal namin sa buhay ‘yung happiness na meron kami, so very proud kami dito ni Dong.

“Kaya sabi siguro ni Dong it’s about time, yung ipunta natin sa GMA si Zia para sabihin nating ito ‘yung network namin, ‘yung parang office namin.

“Kailangan malaman niya kung ano ba talaga ang trabaho ni mama at ni dada,” paliwanag ni Marian.

Feeling din ng aktres, may idea na si Ziggy o Sixto kung ano ang trabaho nila nilang mag-asawa, “At a right age lang siguro si Sixto na maipaliwanag, like Zia, seven years old. Parang yung age niya is enough na para mas maintindihan kung anong work.”

“Sinasama namin siya sa ‘Bonggang Villa’ taping so may idea na siya kung ano ibig sabihin ng pag-aartista, ano ibig sabihin ng ito si Direk, ito ‘yung camera, ito ‘yung mga characters.

“Siguro yun ‘yung step one namin na sa maisama namin siya sa mga trabaho para makapag-observe siya,” dagdag chika pa ng aktres.

Bakit isinasama ni Dingdong si Zia kapag nagbo-voice over sa ‘Amazing Earth?

Marian payag na sa face-to-face classes ni Zia: Gusto kong matuto talaga siya ng totoong buhay sa labas

Dingdong malungkot sa 6th b-day ni Zia, pero nag-promise sa anak: Sana maintindihan mo si Dada…

Read more...