Sharon feeling ‘complete’ sa 57th birthday: ‘I have everything I need plus a huge bonus from God…all your LOVE!’

SUNUD-SUNOD na sorpresa ang natanggap ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta bago at nu’ng mismong birthday niya last January 6, 2023.

Kaya naman feeling blessed ang OPM at movie icon sa pagdiriwang ng kanyang ika-57 kaarawan ngayong taon at abot-langit nga ang pasasalamat niya sa lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya.

Noong gabi ng January 5, ibinahagi ni Mega sa Instagram ang ilang photos at videos na kuha sa dinner nila ng Sotto family, sa pangunguna ng mag-asawang Tito Sotto at Helen Gamboa.

Aniya sa caption, “Birthday Eve with my Sotto family!!!.”

Nakasama rin ni Sharon ang mga pinsan niyang sina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Lolo Sotto at Ciara Sotto.

Ang caption na inilagay ni Ate Shawie sa kanyang IG post ay, “Birthday cake!!! Awww they prepared one pa for me! Nene @pinaypole (Ciara) malabo yung video but thanks for passing it on to me after I’d left na! I love you! Sorry po malabo pero puno naman ng love! (heart emojis).”

“Me and my beloved sisters!” ang nakasulat naman photo nila nina Lala, Ciara at Apple.

Ang pagsasama-sama muli ng pamilya nina Sharon at Kiko Pangilinan at Tito Sen ay patunay lamang na hindi nawasak ng politika ang kanilang relasyon.  Matatandaang naging magkalaban last May, 2022 elections sa pagkabise-presidente sina Kiko at Tito.

Samantala, pagpatak naman ng 12 a.m. noong January 6, mismong birthday ni Mega, sinorpresa siya ng asawang si Kiko kasama ang mga anak nina Frankie, Miel at Miguel pati na ang kanilang mga kasambahay.

Kinantahan pa siya ng mga ito ng “Happy Birthday.” Ibinahagi rin ni Mega sa IG ang video ng pagbati da kanya ng pamilya.

“My family!!! And our angel yayas!!! I am always touched when they give me anything – they pool their money together and if that’s not a display of love I dunno what is!

“My family means everything to me! Last night Yellie sent me a message at midnight even waking up just to do so before going back to sleep.

“My husband hugged and kissed me when I got home and my precious boy stayed up to hug and kiss me too!

“Then my bestie Baba Kakie came in and we just hugged and talked and – haaay basta they make me feel so loved! Thank You, Lord Jesus for all these blessings!

“I also pray for the happiness and all the love in the world for my eldest @kristinaconcepcion. I have everything I need.

“Plus a huge bonus from God – all YOUR love!!! Praise God and my heart is so full and grateful,” mensahe pa ni Sharon.

Present din ang panganay niyang anak na si KC Concepcion sa naganap na intimate family dinner for her birthday.

Related chika:

Sharon Cuneta mas maraming opportunities na matatanggap sa 2023, sey ni Mamu Gloria Escoto

Read more...