Life story at 22 hit songs ni Whitney Houston tampok sa ‘I Wanna Dance with Somebody’

Life story at 22 hit songs ni Whitney Houston tampok sa 'I Wanna Dance with Somebody'

PHOTO: Courtesy Columbia Pictures

PALABAS na sa mga sinehan ang makulay na buhay ng isa sa mga tinitingalang veteran singer at tinaguriang “Greatest voice of her generation” na si Whitney Houston.

May titulo itong “I Wanna Dance with Somebody” at ang English actress na si Naomi Ackie ang gumaganap bilang Whitney sa biopic film.

Mapapanood sa pelikula ang mga naging pagsubok ng legendary singer bago siya nakilala sa buong mundo, pati na rin ang mga hinarap niyang hamon sa kasagsagan ng kanyang kasikatan.

Bukod sa kwento ni Whitney, tampok rin sa pelikula ang 22 hit songs ng pop icon.

Kabilang na riyan ang “Greatest Love of All,” “Where Do Broken Hearts Go,” “Saving All My Love,” “I Wanna Dance with Somebody,” “Run To You,” “One Moment In Time,” “The Impossible Medley” at marami pang iba.

Noong nakaraang buwan lamang ay napasama sa listahan ng “The Best Film of 2022” ng American media company na Variety ang “I Wanna Dance with Somebody.”

Inilarawan pa nga ng film critic na si Owen Gleiberman ang pelikula na talagang madadala ang mga manonood.

“the kind of lavish impassioned all-stops-out pop-music biopic you either give in to or you don’t — and if you do, you may find yourself getting so emotional,” sey ni Owen.

Pinuri pa niya si Naomi Ackie, ang artistang gumanap bilang si Whitney at sinabing kuhang-kuha niya ang ginagampanang karakter.

“As Whitney Houston, Naomi Ackie is far from the singer’s physical double, yet she nails the hard part: channeling her incandescence,” sabi ng kritiko.

“She shows you the freedom that made Houston tick and the self-doubt that ate away at her, until she fell from the mountaintop she’d scaled,” aniya.

Related chika:

Buhay ni Whitney Houston ginawan ng pelikula; award-winning film ‘Bones and All’ ipalalabas na sa Pinas

Read more...