Barbie politiko raw ang bagong dyowa; gagawa sana ng pelikula kasama si Diego pero napurnada, anyare?

YES! Ready na raw uli ma-in love at magkadyowa ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial after ng breakup nila ni Diego Loyzaga several months back.

Base sa aura ni Barbie ngayon, mukhang in love na nga ang dalaga na nali-link ngayon sa isang politician na matagal na niyang kaibigan.

Nakachikahan namin ang aktres sa naganap na presscon ng bago niyang movie na isang collaboration project ng Star Magic at MavX Productions, ang “I Love Lizzy” kung saan katambal niya si Carlo Aquino.

Unang tanong namin sa kanya kung kumusta naman sila ng kanyang ex dyowa na si Diego Loyzaga, napanatili ba nila ang kanilang friendship after the breakup?

“Wala po kaming communication kumbaga happy po kami sa kanya-kanya naming mga  buhay,” tugon ni Barbie.

Game ba siyang makatrabaho uli si Diego sa kabila ng nangyari sa kanilang relasyon? “Dapat meron kami. Dapat isu-shoot namin noong December, under Viva yata ‘yun. Hindi ko lang sure kung bakit hindi na-push.”

E, ang kanyang lovelife, kumusta naman? Handa na ba siyang magmahal at magkadyowa uli? “I’m ready, matagal na ‘yung last din and nag-heal naman na so yeah ready.

“But ang main focus siyempre parang medyo hindi naman nawala pero medyo nawalan ng inspirasyon before parang medyo tinamad and I think that’s normal naman.

“Tayo naman ‘di ba napapagod, nagpapahinga. But now ‘yung focus ko talaga parang career talaga,” sey ng aktres.

Sabi pa ni Barbie, kahit na ilang beses na siyang nabigo sa pag-ibig, magiging choosy pa rin siya sa pagpili ng boyfriend.

“Yes, siyempre pero careful although before I tried it to be careful. Hindi ko naman sinasabi na parang wrong choice ‘yung mga naging ex ko.

“Siyempre nag-fail lang yung relationship and minsan ganon tala­ga. And ako naman grateful pa rin ako and thankful ako lalo sa mga lesson na nakukuha ko from them kasi if not because of them ‘di ba wala akong matututunan,” paliwanag niya.

At tungkol nga sa isang politician na nali-link ngayon sa kanya, “Pwede naman. Ha-hahahaha! Hindi kasi po siguro puro halos kaibigan ko, mga business partners ko mga politician kaya po siguro nali-link.”

Last year, nagsalita na rin si Barbie tungkol kay Mico Clavano, isang abogado sa Office of the Solicitor General na naging nominee rin ng partylist na Bisaya Gyud (BG) last May, 2022 elections.

“Hindi siya boyfriend pero lumabas kami, couple of times and he’s a very good man, came from a very good family like sobrang bait ng family niya. But hindi ko siya boyfriend,” sey ng dalaga sa isa niyang vlog sa YouTube.

“Hindi ko po siya boyfriend pero palagi kaming nagkakasama as a group. Sobrang hindi ko kayang mag-lie! Okay na ‘yon. Bahala na kayong manghula kung anong meron sa amin,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “At hindi ako kabit. Bakit ba lagi niyo akong ginagawang kabit ng mga tao? Haha!”

Samantala, sa Albay na hometown ni Barbie, kinunan ang movie nila ni Carlo na “I Love Lizzy” na idinirek ni RC delos Reyes. Kuwento noon ng aktres, sa tabi ng istasyon sila ng tren nakatira.

“I don’t know the reason kung bakit sa Albay kami pero nakakatuwa na kung saan po ako lumaki mas napo-promote siya.

“So for me happy ako na kahit sa Switzerland sila, kami sa Albay happy ako na do’n shinoot ‘yung pelikula namin,” sey ng dalaga.

Anong feeling na nakabalik siya sa kanilang probinsya? “Grabe po ‘yung emotions honestly nung shinoshoot namin ‘yung I Love Lizzy kasi ‘yung mga dating nadadaanan po, ‘yung school ko dati.

“Nu’ng nadaanan namin siya nung nag film kami iba na ‘yung itsura mas okay na mas maganda na. Tapos habang ginagawa po namin ‘yung mabibigat na eksena parang tinitingnan ko lang ‘yung paligid ng Albay naiiyak na talaga ako kasi  doon po talaga ako lumaki,” kuwento pa niya.

Showing na ang “I Love Lizzy” sa mga sinehan nationwide simula sa January 18. Tungkol ito sa isang hometown party girl na masusubok ang tadhana at tiwala nang magkrus ang landas nila ng isang seminarista.

Related chika:

Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha!

Read more...