HINDI na napigilang magsalita ni First Lady Liza Marcos sa publiko tungkol sa mga taong ginagamit ang kanyang pangalan upang magkaroon ng pwesto sa gobyerno.
Tila nakarating kasi sa First Lady na ang mga balita na mayroon siyang kinalaman sa mga itinalagang opisyal sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Sa pamamagitan ng isang selfie video ay ipinahiwatig ng First Lady ang kanyang saloobin.
Sey ng misis ng presidente, “I just want everyone to know that I have nothing to with ISAFP, I don’t know the people involved.
“I have nothing to do with the appointments, I leave it up to my husband.”
Nagbabala din siya na sakaling malaman niya na may gumagamit nanaman ng kanyang pangalan ay siya na mismong magsasabi sa kanyang asawa na si Pangulong Bongbong Marcos na huwag i-appoint sa pwesto.
Walang nabnggit si Misis Marcos kung sino-sino ang mga ito, pero sinabi niya na pagod na pagod na siya sa mga ganitong klaseng tao.
“And if I found out that somebody is using my name, I shall tell my husband not to appoint you, okay? I hope this is clear. I am sick and tired of people using my name,” saad niya sa video.
WATCH: First Lady Liza Araneta-Marcos warns individuals using her name to get appointed in government: “I have nothing to do with appointments. I leave it up to my husband…I am sick and tired of people using my name.” 🎥: PSG Commader Col. Ramon Zagala pic.twitter.com/ZuKc7wqH8a
— Nestor A. Corrales (@NCorralesINQ) January 7, 2023
Ang pinakahuling naitalaga sa ISAFP ay ang acting chief nito na si Brig. Gen. Leonel Nicolas na pinalitan si Brig. Gen. Marcelino Teofilo noong pang Oktubre.
Noong nakaraang taon ay tatlong key officials na ang nag-resign sa administrasyong Marcos, kabilang na riyan sina Executive Secretary Victor Rodriguez, Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, at Commission on Audit Chair Jose Calida.
Read more:
Bongbong Marcos sinuspinde ang pagpapatupad ng dagdag Philhealth contribution