‘Encantadia’ sisters Sanya, Gabbi at Kylie muling magsasama-sama sa ‘Mga Lihim ni Urduja’, Glaiza may solo project sa GMA ngayong 2023
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla
NGAYON pa lang ay abangers na ang mga tagasuporta ng tatlo sa mga Sang’gre ng “Encantadia” na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez na muling magsasama-sama sa bagong serye ng GMA 7.
Yes, yes, yes mga ka-Marites! Mapapanood na uli ang magkakapatid na Sang’gre sa isa na namang intriguing and exciting Kapuso series ngayong 2023 — ang “Mga Lihim Ni Urduja.”
Nagsimula na ang taping ng isa sa mga pinakahihintay na mega series ng GMA para sa Year of the Water Rabbit na siguradong pag-uusapan na naman ng mga Kapuso viewers all over the universe.
Sa Instagram, nagpatikim ang headwriter at concept creator ng “Mga Lihim ni Urduja” na si Jojo Nones sa unang araw ng kanilang taping.
“First taping day! #Urduja2023,” ang maikling caption na isinulat ni Jojo sa kanyang IG post.
Makikita rito ang mga litrato at video nina ng lead stars ng serye na sina Kylie at Gabbi habang naghahanda para sa mga gagawin nilang eksena.
Sa kuwento ng naturang Kapuso series ay gaganap si Kylie bilang si Gemma, isang matapang na pulis na gagawin ang lahat at handang ibuwis ang buhay magampanan lamang nang buong husay ang kanyang tungkulin sa bayan.
Si Gabbi naman ang napili para bigyang-buhay ang karakter ni Crystal na isang jeweler.
Last December 6, 2022, ipinakilala ng production sa naganap na story conference ng nasabing programa ang makakasama nina Gabbi at Kylie sa cast.
Kabilang na nga riyan ang kanilang “Encantadia” sister na si Sanya Lopez. Siya ang gaganap bilang legendary warrior princess na si Urduja.
Ang isa pang sisteraka nina Kylie, Gabbi at Sanya sa “Encantadia” na si Glaiza de Castro ang tanging wala sa cast ng serye dahil may sarili siyang project na gagawin ngayon ding 2023.
Ka-join din sa powerhouse cast ng serye sina Zoren Legaspi, Jeric Gonzales, Vin Abrenica, Michelle Dee, Kristoffer Martin, Rochelle Pangilinan at Arra San Agustin.