TILA nagulat ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos kumalat sa social media ang kanyang mga larawan.
Ang mga naturang larawan ay in-upload ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na kuha nito lang New Year nang bisitahin niya ang aktres at pamilya nito. Agas namang pinick-up ng mga media organizations at iba pang fan accounts ang mga pictures sa social media.
Ngunit tila hindi aware si Kris sa mga larawang naka-post at kumakalat dahil nag-comment ito sa isang larawan kung saan makikitang nagtse-tsek siya ng kanyang cellphone.
“I’m curious, my friend Atty Donna sent me the screenshot [of your post], so ako na ang mag co-comment: kayo ni VG Marc keep in touch? Friends kayo? Obviously he was the 1 who sent you my pic (i wasn’t told he would),” komento ni Kris.
Iniiwasan raw ng Queen of All Media na mag-post ng kanyang mga larawan dahil dino-document niya ang kasalukuyang gamutan upang patunayan na hindi siya sumusuko sa laban.
Paglalahad ni Kris, “I’ve avoided posting any pics of myself because i’ve been privately chronicling my journey-hoping na after the many months na titiisin ko ang immunosuppressant therapy (i’ve researched all the warnings of how weak i’ll feel.
“The likelihood that i’ll have low grade fever, throw up often, weight loss, feel even more fatigued than i do now, and yung possibility that i’ll lose my hair-after all the medication is what’s given to cancer patients undergoing chemotherapy-BUT for rheumatology patients yung dosage is about 15%) i’d be able to show all of you in a documentary-na hindi ako SUMUKO, sa lahat ng kinailangan pagdaanan, tinuloy ang LABAN. [heart emoji]”
Nagpasalamat naman si Kris sa lahat ng mga taong patuloy na nagdarasal para sa ikagaganda ng kanyang kalusugan.
“THANK YOU for keeping us in your prayers-next week we super need MORE especially for our doctors,” sey ni Kris.
Sinabi rin niyang kinakailangan ng kanyang anak na si Bimb na ma-confine paea sa full medical assessment nito.
“Thank you for being so compassionate & consistent,” hirit pa ni Kris.
Related Chika:
Kris Aquino may bagong update sa lagay ng kalusugan: Tuloy ang laban, bawal sumuko!
Kris tuloy na ang pag-alis sa Pinas, mahigit 1 taon mawawala para magpagamot sa ibang bansa
May mga araw na hindi na naigagalaw ni Kris ang katawan; delikado nang magbiyahe sa ibang bansa