KAKAUMPISA pa lang ng taon ngunit mukhang magiging mainit ito sa pagitan ng modelong si Deniece Cornejo at TV host-comedian na si Vhong Navarro.
Sa February 16 pa kasi ang nakatakdang pagdinig muli sa kaso ng Kapamilya star na isinampa ng modelo ngunit kamakailan lang ay naghain ang dalaga ng petisyon sa korte patungkol sa bail grant ng TV host.
Nag-request nga si Deniece ng motion for reconsideration with motion to inhibit sa Branch 69 ng Taguig Regional Trial Court upang i-reverse ang bail grant ni Vhong.
Nais rin ng kampo ng dalaga na maglabas ulit ng warrant of arrest laban sa komedyante.
Base na rin sa mosyon na isinampa ni Deniece ay nais nilang ipa-inhibit ang hurado na may hawak sa kaso at ilipat ito ng korte dahil para sa kanila, biased ito sa desisyon na hayaang makapagpiyansa si Vhong.
Bukod pa rito, sinabi rin ng kanilang kampo na hindi raw nakapagbigay ng ebidensya sina Vhong sa takdang oras kaya hindi dapat na-grant ang pagpapiyansa nito.
Sa kabila naman ng paghahain ng mosyon nina Deniece ay mukhang handa ang kampo ni Vhong.
“We have proof naman that the defense was able to file formal offer of evidence. We were able to file the formal offer of evidence. At any rate, whether or not nakapag-submit ang defense is not material because in petition for bail, ang importante ay ang evidence ng prosecution,” sey ng isa sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Maggie Abraham-Garduque sa panayam sa UNTV News.
Dagdag pa niya, “It is actually the prosecution which has the burden of proof to prove that the evidence of guilt of the accused in a rape case is strong.”
Related Chika:
#LabanKungLaban: Vhong Navarro, Deniece Cornejo muling maghaharap sa korte
Payo ng abogadong lolo ni Deniece sa kaso nila ni Vhong: Mag-settle na lang sila, at mag-move on…
Abogado ni Vhong Navarro may pasabog na anggulo sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo