Vivamax sex siren Christine Bermas rape victim sa ‘Night Bird’, kinarir ang pagiging action star

Vivamax sex siren Christine Bermas rape victim sa 'Night Bird', kinarir ang pagiging action star

Sid Lucero, Christine Bermas at Mark Anthony Fernandez

MAGTUTULUY-TULOY ang swerte ng Vivamax bombshell na si Christine Bermas ngayong 2023.

Pagkatapos umani ng papuri sa mga pinagbidahang pelikula na “Relyebo” with Sean de Guzman at “Scorpio Nights 3” kasama si Mark Anthony Fernandez, ang bagong movie ni Christine ang pambuena mano ng Vivamax ngayong Bagong Taon.

Ang tinutukoy namin ay ang “Night Bird” kung saan muling mapapalaban sa hubaran at aktingan ang dalaga kina Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Aaron Villaflor at Felix Roco.

Ka-join din sa “Night Bird” ang dalawang baguhang sexy star pero palaban din sa pakikipagchurvahan na sina Chloe Jenna and Alexa Ocampo.

Iikot ang kuwento sa tatlong magkakaibigan na walang awang pinagbubugbog at ginahasa ng isang grupo ng mga adik.


Dahil dito, maghihiganti ang karakter ni Christine sa malupit at mapait na sinapit mula sa kamay ng kanilang mga rapist. Hindi siya titigil hangga’t hindi nakukuha ang hustisya sa nangyari sa kanilang magkakaibigan.

Ayon kay Christine, ibang-iba ang “Night Bird” sa kanyang past movies sa Vivamax, “It’s very different kasi ‘Relyebo’ is serious drama while ‘Scorpio Nights 3’ is very sexy, but this one, for the first time, nag-action ako.

“Dream come true ito for me, kasi noon ko pa gusto ko talaga mag-try ng action. Mahirap pala siya kasi very physical siya,” aniya pa.

Kinarir din daw niya ang training para sa mga action scenes na kailangan niyang gawin sa movie, “We trained for one week, how to do fight routines, how to hold a knife. And on the set, we have a coach para turuan kami sa aming fight scenes.

“Nakakapagod siya kasi nga naghihiganti ako rito doon sa mga lalaking humalay sa amin and may fight scenes ako with all of them. Abangan nyo kasi very exciting ang buong movie,” chika pa ni Christine.

Ang “Night Bird” ay mula sa direksyon ni Law Fajardo na siya ring nagdirek ng “Scorpio Nights 3”. Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa January 13, 2023.

Palabang sexy star na si Christine Bermas ayaw munang magpabuntis; type na type si Joshua Garcia

Alwyn nakakita ng ibon sa hinubad na sapatos; may nais nga bang ipahiwatig sa relasyon nila ni Jennica?

Baguhang sexy star proud na umaming naging kasambahay, nagtinda rin ng mga kakanin

Read more...