Netizen inireklamo ang nabiling lechong baboy…hilaw at may dugo-dugo na, may naiwan pang lamang-loob
“OMG! Nabudol ka Madam!!!” Yan ang naging reaksyon ng mga netizens nang makita ang lechong baboy na in-order ng isang pamilya nitong nagdaang holiday season.
Kalat na ang mga litrato at video na in-upload sa Facebook ng isang nagngangalang Michelle Halasan kung saan makikita ang palpak na lechong baboy na in-order nila sa kanilang suki.
Base sa salaysalay ng FB user, hilaw at may dugo-dugo pa ang lechong idineliver sa bahay nila, at bukod pa rito, may naiwan pa raw lamang-loob sa katawan ng baboy.
“May nag-offer sa akin dito sa amin nasa 60 kilos daw. P12k tapos + P1500 sa magle-lechon daw.
“Pumayag ako dahil sa bukod sa malapit lang dito, nagdadala siya sa amin dito ng mga baboy na katay para pang-ulam, regular costumer na niya kami,” ang sabi ng dismayadong biktima base na rin sa naka-post sa FB page ng Tamaraw News.
Pero na-shock nga si Michelle nang i-deliver na ang lechon sa kanila dahil nang hilahin na raw nila ang tubong ginamit sa pag-iihaw ay bigla na lang sumirit ang dugo ng baboy.
At nang hiwain na nila ito ay talagang hilaw na hilaw pa at hindi pa pwedeng lafangin.
“Tapos nu’ng hinati ‘yung upper part mula leeg at ulo ay may naiwan pa doon na lamang-loob na hilaw,” sabi pa ni Michelle.
Ang ending, niletson nila uli ang baboy at tumagal daw ng anim na oras bago ito tuluyang naluto.
Maraming netizens ang nabwisit sa binilhan nina Michelle ng lechon kasabay ng pagbibigay ng warning sa lahat na maging sigurista at laging mag-ingat at sa pagbili ng kahit ano.
“Sa balat pa lang di pantay-pantay ang luto parang sunog-sunog ang ibang bahagi. Di marunong maglechon gumawa niyan.”
“Minadali na lang niluto… malakas ang apoy niya kaya ganiyan sunog na yung balat niya.”
“Kakaloka, manloloko sila. Bawiin mo yung binayad mo!”
“Nakuuu… nabudol kayo madam damontres na maglelechon yan me gawa niyan dapat siya lechonen.”
“Baka mamaya niyan kinulayan na lang ng barnis para lang masabing naluto…”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang ibinabalitang update si Michelle tungkol sa naging aksyon nila laban sa nakatransaksyong magle-lechon.
Janine Gutierrez napagkamalang anak ni VP Leni: Hindi po! Anak ni Lotlot!
Julius Babao nagreklamo sa natanggap na order, dawit na pizza parlor naglabas ng official statement
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.