Alex sa 20 years ni Toni sa showbiz: Hindi man tayo mukhang artistahin, pero dahil sa talent, galing at faith naabot mo ang milestone na ‘to!

Alex sa 20 years ni Toni sa showbiz: Hindi man tayo mukhang artistahin, pero dahil sa talent, galing at faith naabot mo ang milestone na 'to!

Alex Gonzaga at Toni Gonzaga

SUPER proud na ibinandera ng TV host-actress na si Alex Gonzaga ang mga bonggang-bonggang achievement ng kanyang sisteraka na si Toni Gonzaga.

Ngayong taon ay ipagdiriwang ni Toni ang kanyang 20th year sa entertainment industry kaya naman napa-throwback si Alex noong panahong wala pa sila sa mundo ng showbiz.

Sey ng actress-vlogger, parang kailan lang noong pareho pa lang silang nangangarap na maging bahagi ng showbiz pero ngayon nga ay nagdiriwang na ang ate niya ng ika-20 taon sa pagiging artista, TV host at content creator.

Hirit pa ni Alex, sino raw ba ang mag-aakalang kahit hindi sila artistahin ni Toni ay nakapasok pa rin sila sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Nag-post si Alex ng isang throwback photo nila ni Toni sa Instagram na kuha raw sa isang photo studio sa mall na palagi nilang pinupuntahan noon.


Aniya sa caption, “Hi ate, sino kaya makakapagisip sa atin nitong mga panahon na after school nagpapapicture tayo sa studio sa mall na aabot ka ng 20 years sa showbiz industry.

“Hindi man tayo mukang artistahin hihihihih pero dahil sa talent, galing, faith at pagpupurisigi nyo ng mga daddy naabot mo ang milestone na to,” pahayag pa ni Alex.

Ipinost din niya ang poster para sa 20th anniversary concert ng kapatid na “I Am… Toni” na may caption na, “We are sooo proud of you!! Magkikita kita tayo sa jan 20 sa araneta!!! Masaya to!!! See you all there! (hugging face emoji).

“PS: Walang magcocomment sa kilay ko dito hindi pa sya tumutubo dyan bata pa ih (smirking face emoji).”

Sa January 20 na mapapanood ang “I Am… Toni” sa Araneta Coliseum na mismong kaarawan rin ng TV host-actress.

“It’s just a recollection of everything that happened in the 20 years. How I started, what happened in between, and where I am today.

“Parang it’s going to be a journey, yung concert. It’s more of a story of everything of my life,” ang pahayag ni Toni sa presscon ng kanyang concert noong November 17, 2022.

Toni sad sa nangyari kay Vhong: Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, all I can offer now is prayers…

Ina Raymundo sa napakatangkad at artistahing anak: He looks like my ‘kuya’…where did my little munchkin go?

Toni Gonzaga welcome pa rin sa ABS-CBN kahit nag-resign na dahil sa pagsuporta kay Bongbong Marcos

Read more...