NAGTATAKA ang netizen na si @cocacolee kung bakit kasama sa school activity ng kapatid niya ang panonood ng sine at sariling gastos ito ng estudyante.
Base sa Twitter post ni @cocacolee nitong Enero 5, “okay but what the fu$#?! Watching the movie M¥ Teacher is being part of my brother’s school activity, tapos bibili kami ng movie tickets for this?! THE HECK.”
Base sulat na pinost ng netizens ay galing ito sa Office of the School President ng Brentwood Academy of Dasmarinas.
“Dear Parents/Guardian:
“We would like to ask for your permission to allow_____ to join the in movie watching in SM City Dasmarinas entitled My Teacher on January 10, 2023. The film would be a part of their school activity. They should be in school at 10:00am for assembly wearing white shirt and jeans. The ticket, transportation and snack will be on their own expense.
“Hoping for your kind consideration for this activity.”
Umabot sa 21,400 ang views, 112 retweets, 200 likes/heart at 23 comments.
Base sa experience namin noong estudyante kami sa kolehiyo ay madalas nire-require ng teachers/professors ang panonood ng sine o stage plays ang kanilang mga estudyante lalo’t may kinalaman ito sa kurso o subject. At sagot ng estudyante talaga ang gastos.
Ang pagkakaiba lang noong panahon namin ay mura pa ang bayad sa sine kaya nakakayanan pang bayaran ng aming magulang o ipapabawas na lang namin sa weekly allowances.
Sa panahon ngayon ay masyado nang mahal ang bayad sa sine na mahigit apat na raang piso o P400 na at kung sumusuweldo ng minimum wage ang magulang ng estudyante ay hindi nila ito kakayanin.
Sa kaso ng kapatid ng netizen na si @cocacolee ay sa pakiwari namin ay puwede naman silang tumanggi lalo’t nakasaad naman sa sulat ay humihingi ng permiso ang eskuwelahan n asana payagang manood ng sine ito.
In fairness ay maganda naman ang pelikulang “My Teacher” ni Toni Gonzaga-Soriano dahil kapupulutan naman ito ng aral. May hinahanap lang kaming back story ni Joey de Leon na para sa amin ay kulang, hindi nailahad ng buo.
Nakahihinayang nga at hindi ito tinangkilik ng tao dahil marami pa ring may ayaw kay Toni G.
Related Chika:
MMFF 2022 Review: ‘Deleter’ ni Nadine Lustre dapat bang i-‘delete’ o dedma na lang?
MMFF 2022 Review: ‘My Teacher’ punong-puno ng aral tungkol sa pagsusumikap, pagpapatawad
Rowena Guanzon may patutsada sa isang pelikula, lalangawin daw sa sinehan?
Luis nagmakaawang panoorin ang bago niyang vlog para sa operasyon ni Sopia Amano