Patricia Javier gustong baguhin ang laman ng relief goods na ipamimigay

Patricia Javier gustong baguhin ang laman ng relief goods na ipamimigay

Patricia Javier/ARMIN P. ADINA

MARAMING napagtanto ang aktres nasi Patricia Javier sa pakikiisa niya sa isang outreach program sa Tokyo nitong Disyembre, at marami umano siyang natutunan sa una niyang charity activity sa Japan.

“Surprisingly, may homeless pala sa Japan,” sinabi ni Javier sa Inquirer sa victory party para sa mga bagong reyna ng Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. (NQULI) sa Windmills and Rainforest restaurant sa Quezon City noong Enero 6.

Siya ang national director para sa Pilipinas at international director din ng NQULI, na nagtanghal ng coronation program ng Respect: Noble Queen of the Universe sa Tokyo Prince Hotel sa Tokyo, Japan, noong Dis. 29.

“After our coronation, we had a collaboration with the Mrs. Tourism Ambassador International Japan pageant organized by Myla Villagonzalo-Tsutaichi, awardee din namin siya,” ani Patricia. Iginawad ng NQULI kay Tsutaichi ang “Most Prominent Women Empowerment” award.

Sianbi ni Javier na tumulong din sa kanila si Tsutaichi, kinoronahang Mrs. Tourism Ambassador International sa Malaysia noong 2020, at nagpahiram ng mga kimonong ginamit ng mga kalahok. Nagsilbi rin siyang Japanese interpreter sa palatuntunan.

Nagsagawa ang Japanese pageant organization ng gift-giving activity sa Yoyogi Park sa Shibuya noong Dis. 31. Doon, napuna rin ni Javier “na hindi mo makikita na sobrang homeless sila. They have nice clothes. They’re decent people. Ambabait ng Japanese, magagalang.”

Iba rin umano ang nilalaman ng relief pack. “Walang Lucky Me at sardinas, more on apples, mga pies, cakes, pastries, Starbucks coffee,” inilahad ni Patricia.

Pagkatapos ng gift-giving, kinausap umano niya si NQULI founder Eren Noche at nagmungkahi ng ilang pagbabago. “Alam mo masarap din iyong mamigay tayo, for a change, iyong mga galing S&R naman. Kapag na-receive nila, ‘wow, first time kong makakakain ng Spam!’ parang gano’n,” ani Javier.

Nagbahagi rin ang NQULI ng donasyon nito sa kanilang napiling beneficiaries sa Pilipinas. Sa victory party ng mga reyna, iniabot nina Javier at Noche ang tig-P20,000 para sa FAME (fashion, arts, music, entertainment) Foundation, Hope for Lupus Foundation, at Doc Rob’s Foundation.

“In every coronation or event we always give back sa foundations, kahit maliit basta may naibigay sa foundation,” sinabi ni Patricia. Ngunit sa pagkakataon ngayon, hindi sila lumapit sa anumang sponsor.

“Kasi kabubukas lang ng businesses, we like to be sensitive doon sa business owners. Kaming Noble Queens, kami lang nag-amabag-ambag para maganap coronation night ng Noble Queen,” pagpapatuloy pa niya.

Kinoronahan bilang 2022 Noble Queen of the Universe si dating Tacloban City Mayor Cristina Gonzales Romualdez, na kumatawan sa Visayas. Tatlong Pilipina pa ang tumanggap ng mga titulo—sina Noble Queen International Leira Buan mula Mindanao, Noble Queen Earth Sheralene Shirata mula Luzon, at Noble Queen of the Universe Ltd. Marjorie Renner na kumatawan sa Estados Unidos.

Related Chika:
Patricia Javier naki-join sa charity event ng isang pageant organization sa Japan

Cristina Gonzales-Romualdez sasabak sa pageantry dahil kay Patricia Javier

Patricia Javier waging 2019 Mrs. Universe PH

Patricia Javier sinabing dapat isang ‘cowboy’ na may ‘good heart’ ang Noble Queen

Read more...