Carlo Aquino, Trina Candaza wala nang chance magkabalikan, Charlie Dizon sanhi kaya ng hiwalayan noon?

Carlo Aquino, Trina Candaza wala nang chance magkabalikan, Charlie Dizon sanhi kaya ng hiwalayan noon?
MUKHANG hindi na makakapasok si Carlo Aquino sa loob ng bahay ng ex-partner niyang si Trina Candaza at ng anak nitong si Mithi dahil kay Charlie Dizon.

Nang mahiwalay sina Carlo at Trina noong 2022 ay hindi nag-uusap at hindi rin nakakapasok ang aktor sa loob ng tinitirhang condo unit ng mag-ina kapag susunduin nito ang anak na si Mithi.

Sa mga video post ni Trina ay hinahatid niya sa ibaba ng building ang anak na kukunin naman ni Carlo pero hindi pinapakita ang mukha. Ang yaya ng bagets ang kasama sa bonding moments ng mag-ama at bago dumilim ay isosoli na ulit ng aktor ang anak sa nanay niya.

Laging ganito ang sitwasyon nina Carlo at Trina hanggang sa nagdiwang ng kaarawan si Mithi at kitang-kita na tila okay na ang magulang ng bata dahil marami silang pictures together at maganda ang mga ngiti nila.

 


Inamin ni Trina na nag-uusap na nga sila ni Carlo at hindi nito isinasara ang pinto para sa pagbabalikan nilang dalawa.

Kasunod noo’y nakapasok na ang aktor sa loob ng bahay para ihatid ang anak na tulog na tulog at pagkalipas ng ilang minuto ay saka aalis.

Tanda namin sa huling panayam namin noon kay Carlo ay hinding-hindi mawawala ang pagmamahal niya sa ina ng anak niya dahil tinanong namin kung mahal pa niya at sagot sa amin, “always, always nanay siya ng anak ko.”

Pero mukhang hindi na ito ang isasagot sa amin ng aktor kapag nagkita kami at tatanungin namin siya dahil sa panayam niya sa “TV Patrol” ay buong ningning niyang inaming nagdi-date sila ni Charlie na matagal na niyang kilala.

And to quote Carlo sa interview niya kay MJ Felipe ng TV Patrol, “Actually, di ba nagkasama kami sa A Soldier’s Heart (2020). Nagkakilala kami doon. Tapos nag-US tour, mas nakilala ko siya. Pag-uwi, ayun na.”

Bukod dito ay inamin din ng aktor na sila ni Charlie ang magkasama sa La Union para salubungin ang 2023 with his family.

Magbabalik-tanaw kami na matagal na palang magkakilala o magkaibigan sina Carlo at Charlie, hindi kaya ang leading lady na ito ng aktor ang dahilan ng hiwalayan nila ni Trina?

Bukas ang BANDERA sa panig nina Carlo at Charlie.

 

Related Chika:
‘Gusto ko nang bumitaw’ swak na swak sa hiwalayang Trina Candaza at Carlo Aquino

Carlo Aquino, Charlie Dizon magdyowa na nga ba?

Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date nga ba sa La Union bilang lovers…o ‘as friends’ lang?

Carlo Aquino kinumpirmang ‘dating’ na sila ni Charlie Dizon

Read more...