Babaeng itinuturong dahilan daw ng hiwalayang Elisse at McCoy umalma, pero agad binura ang post sa social media

Babaeng itinuturong dahilan daw ng hiwalayang Elisse at McCoy umalma, pero agad binura ang post sa social media

Elisse Joson, McCoy de Leon at Mary Joy Santiago

TRENDING pa rin until now si McCoy de Leon and when we snooped on Twitter, kaya pala ganoon ay dahil hiwalay na umano  ito kay Elisse Joson.

Kalakip ng balitang split na sila ay ang photo ni McCoy kasama ang girl named Mary Joy Santiago na nakahilig sa balikat ng actor.

Siya ang sinasabing third party sa hiwalayan ng magdyowa.

Tila hindi naman nakapagtimpi si Mary Joy kaya nag-post ito ng message sa kanyang Instagram Story na pinaniniwalaang sagot niya sa chismis na siya ang third party sa hiwalayang McCoy at Elisses.

Na-capture ng isang netizen ang post ni Mary Joy na burado na raw ngayon. It got posted sa isang entertainment website on Facebook.


“Instead of making assumptions about me and what I do how about you just ask.

“So quick to believe things about a person without even knowing them or even simply having a conversation with them.

“You guys are on some childish type of sh*t and I’am not here for it.” ‘Yan daw ang post ni Mary Joy.

Noong December 19 pala ay nagpahiwatig na si McCoy na hiwalay na sila ni Elisse. This came via an Instagram post where McCoy shared a photo kasama ang daughter niya.

“Lagi mong tatandaan na mahal kita.

“IKAW lang ang nakaka alam…

“IKAW lang ang makakaintindi sa akin…

“IKAW lang ang maasahan ko…

“IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay…

“IKAW lang ang lahat lahat ko…

“Sana pagtanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo.

“Dont worry masasaya naman ikukwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy.

“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya.

“Last na…anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra…*hug na mahigpit*.” Yan ang caption ni McCoy sa photo niyang iyon.

Tinanggal ng actor ang comment section kaya naman walang nakapagbigay ng komento sa post niyang iyon.

Hiwalay na nga ba kayo ni Elisse, McCoy? Pakisagot nga.

Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

McCoy laging tinatanong kung kailan pakakasalan si Elisse: Ayaw naming biglain, ayaw naming madaliin

McCoy umaming planong layasan ang Pinas kasama si Elisse: Lagi ko siyang gustong itakas sa ibang bansa

Read more...