Anak ni Small Laude nakapasa sa bonggang school sa US, P3-M ang tuition fee kada taon
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Small Laude at Allison Laude
PROUD mommy ang content creator at socialite na si Small Laude matapos ma-achieve ng kanyang bunsong anak ang isa sa mga ultimate dream nito.
Excited na ibinalita ng celebrity mom sa buong universe na nakapasa ang bunsong anak na si Allison sa kanyang dream school — ang Claremont McKenna College (CMC), sa Claremont, California, USA.
Ibinahagi ni Small Laude sa Instagram ang isang video clip kung saan makikita ang naging reaksyon ng dalagita nang malamang nakapasa siya sa admission test ng CMC.
Napaiyak nang bonggang-bongga si
Allison nang buksan at mabasa ang ang ipinadalang e-mail sa kanya ng naturang eskwelahan sa Amerika. Tuwang-tuwa rin ang kanyang mga kaibigan nang malaman ang good news.
Inamin naman ni Small Laude na mas gusto sana niyang sa Pilipinas pa rin mag-aral ang anak pero 100 percent daw niya itong susuportahan sa pangarap na makapagtapos sa kanyang dream school.
Kasalukuyang tinatapos ni Allison ang kanyang high school sa International School Manila sa Taguig City.
Sabi ni Small Laude sa kanyang IG post, “Congratulations Allison! So proud of you! Despite the fact that mom wanted you to stay.
“Time flies so fast I can’t believe you’re going to college. Chinadoll got into her first choice of school for college!” aniya pa.
Ayon sa isang report, ang CMC ay bahagi ng “seven-college consortium” ng The Claremont Colleges, na ibinase sa Oxford University.
Sabi sa ulat ng isang website, ang CMC ay nasa ika-9 (sa 210) posisyon sa ranking ng National Liberal Arts Colleges sa Amerika at ang tuition fee roon ay aabot sa mahigit P3.3 million per year.
Samantala, marami namang bumating netizens sa pagpasa ng anak ni Small Laude sa CMC kabilang na riyan ang ilan sa kanyang celebrity friends tulad nina Karen Davila, Dawn Zulueta, Cristina Gonzalez-Romualdez at Pops Fernandez.