Jake Cuenca, Sue Ramirez magtatambal sa bagong sitcom ng TV5 | Bandera

Jake Cuenca, Sue Ramirez magtatambal sa bagong sitcom ng TV5

Reggee Bonoan |January 03,2023
facebook
share this

Jake Cuenca, Sue Ramirez magtatambal sa bagong sitcom ng TV5

Reggee Bonoan - January 03, 2023 - 07:52 PM

Jake Cuenca, Sue Ramirez magtatambal sa bagong sitcom ng TV5

Sue Ramirez at Jake Cuenca

MAS may chemistry sina Jake Cuenca at Sue Ramirez sa seryeng “Iron Heart” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez at napapanood sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya Network.

Ito marahil ang dahilam kaya ang dalawa ang pinagtambal sa bagong programa ng aktor na produced ng APT Entertainment at ipalalabas sa TV5.

Si Sofia Andres ang leading lady ni Jake sa “Iron Heart” pero dahil sitcom ang new show ng aktor sa Kapatid network kaya si Sue ang kinuhang leading lady base na rin sa ilang episodes na napanood ng mga bossing ng APT Entertainment.

Bongga si Sue, sunud-sunod ang projects niya at dapat ay magpasalamat siya sa “Iron Heart” dahil nakatulong ang programa ni Richard para mapansin siya sa bagong show ng TV5.

Anyway, kung hindi kami nagkakamali ay ngayong araw, Enero 3 ang balik ni Jake galing Singapore kung saan siya nagdiwang ng kanyang kaarawan at Bagong Taon kasama ang buong pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


Matatandaang sinabi ni Jake na wish niya sa nagdaang holiday season ang makasama o maka-bonding ang pamilya at makapagpahinga na rin dahil grabe ang pagod niya nitong Disyembre.

Lagare kasi siya sa promo ng “My Father, Myself” na MMFF 2022 entry ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions at sa taping ng “Iron Heart” sa Cebu kaya’t pabalik-balik siya sa Manila.

Samantala, isa kami sa nag-aabang sa engkuwentro nina Jake at Richard sa Iron Heart na hindi nila alam ay pareho pala silang ‘agent’ para magmanman ng mga aktibidades ng sindikatong Tatsulok na pinamamahalaan ni Albert Martinez.

Alam ni Apollo o Tisoy (Richard) na pinagdududahan siya ni Eros (Jake) dahil simula nga naman ng pumasok siya sa grupo ay marami na ang namamatay at nadidiskubreng illegal na negosyo ng Tatsulok.

Kinuntsaba ni Jake si Sue (Venus) na kilalanin si Richard kapalit ng halaga para mabuhay nito ang pamilya at ang hinihiling na palayain ang amang si Mitoy Yonting as Bungo.

Ayon sa nakuha naming report ay mataas ang views ng “Iron Heart” sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Sue pinakakalma ni Jodi kapag umiiyak: Napakabuti niyang tao, hindi siya nagagalit…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending