Sunshine Dizon nagbabala sa ‘evil person’, umalma sa netizen: ‘Wag makisawsaw!

Sunshine Dizon nagbabala sa 'evil person', umalma sa netizen: 'Wag makisawsaw!
NAGBABALA ang aktres na si Sunshine Dizon patungkol sa isang scammer na ang modus ay ipakalat ang sex video ng kanyang biktima para makakuha ng pera.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera ng aktres ang kanyang babala sa madlang pipol upang maiwasan at maging aware ang mga ito sa naturang scammer.

“Warning from a concerned girl: You probably know who I’m talking about. Some of you had sex videos with this person you probably trusted but it’s now being shown around, could be from the past unfortunately was not deleted. Beware of this disgusting and evil person,” saad ni Sunshine.

Paglilinaw naman niya sa caption, maswerte siya na hindi siya naging parte ng mga videos na ito.

Bukod rito ay nagbibigay rin si Sunshine ng babala sa mga influencers at social media personalities patungkol sa lalaking nag-aalok na mag-promote o mag-invest sa isang “unestablished” online gaming site.

Marami na raw ang naengganyo rito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay ang pangakong bayad ng lalaki.

Sey ni Sunshine, “If you are being convinced or considered to promote for new and upcoming unestablished gaming online sites that has not proven stability for years DO NOT JOIN!

“This man will promise you and sweet talk you into it. But truth is he ran with millions of pesos from people he owes and to this day has not paid a single centavo. An old sick lady invested 1 million and since December he has not given her the promised 5% interest. Another person invested 2.8 million and til now has not received anything but excuses.”

Ibinahagi rin ni Sunshine ang breakdown ng pagkakautang ng lalaki.

Samantala, isang netizen naman ang nagkomento sa kanyang post at sinabihan siyang maglabas ng pruweba kung totoo ito at huwag manira ng buhay.

Bwelta ni Sunshine, “Wag makisawsaw malinaw na sinabing YOU KNOW WHO IM TALKING ABOUT kung di mo kilala di para sayo ang warning. Kung kilala mo naman magdemanda ka.”

Sa ngayon ay deleted na sa Instagram account ng aktres ang naturang post.

Related Chika:
Sunshine Kapamilya na; bibida sa ‘Marry Me, Marry You’ kasama ang 2 pang dating Kapuso

Sunshine Dizon dedma sa bashers: May 2 anak ako, kailangan kong magtrabaho

Sunshine Dizon naka-confine sa ospital, na-diagnose ng bronchitis: Thank God it’s not COVID

Sunshine Dizon inaming maraming ‘regrets’ sa buhay, nag-open up sa pagkakaroon ng depression

Read more...