Kaladkaren sinalubong ang Bagong Taon kasama ang fiancè: ‘Walang putukan pero may…kabayo-han!!!’

Kaladkaren sinalubong ang Bagong Taon kasama ang fiancè: 'Walang putukan pero may…kabayo-han!!!'

Kaladkaren at Luke Wrightson

ENJOY na enjoy ang TV host-comedienne na si Kaladkaren o Jervi Li in real life sa pagbabakasyon niya sa United Kingdom kasama ang kanyang fiancé na si Luke Wrightson.

Doon nag-spend ng holiday season ang impersonator ng broadcast journalist na si Karen Davila kung saan nakasama niya ang pamilya at mga kaibigan ni Luke.

And yes, dahil nga rito, extended ang vacation trip nina Kaladkaren at Luke sa UK para doon salubungin ang Bagong Taon with their family and close friends.


Nag-share ang Kapamilya star at event host sa kanyang Facebook account nitong nagdaang Linggo, January 1, ng ilang litrato na kuha sa kanilang New Year’s Party.

Makikita rito ang ilang pa-games na ginawa ng grupo nina Kaladkaren habang nag-iinuman at nagkakatuwaan sa paghihintay sa pagpasok ng 2023.

“Walang putukan pero may… kabayo-han!!! yaaa tigidig tigidig tigidig … 2023, here we come!!!” ang nakakalokang caption na inilagay ni Kaladkaren sa kanyang FB post.

At base nga sa kanilang mga litrato, masayang sinalubong nina KaladKaren ang 2023 with cowboy party theme.

“Cowboy party to welcome the new year! Thank you Jenkins for having us. Happy New Year, mga dear!” sey pa ng komedyana.

Hirit pa ni Kaladkaren sa kanyang socmed followers, “More dilig for everyone this 2023!!!”

Kaladkaren pwede nang ituloy ang naunsyaming pagpapakasal sa kanyang British fiancé sa UK

#LoveWins: KaladKaren, British fiancè nag-celebrate ng 10th anniversary

Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’

Read more...