Chie Filomeno nagtatalon sa pagsapit ng Bagong Taon para lumaki ang boobs: ‘May pag-asa pa yang hinaharap mo Chienna!!!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Chie Filomeno
BENTANG-BENTA sa mga netizens ang naging paandar ng Kapamilya actress na si Chie Filomeno sa pagsalubong niya sa Bagong Taon.
Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang ipinost na video clip ni Chie sa kanyang Instagram account na kuha sa loob ng kanilang bahay habang nagse-celebratre ng Media Noche.
Makikita sa video na ginawa ni Chie ang tradisyong pagtalun-talon sa pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi bilang bahagi ng pagsalubong sa Bagong Taon.
As in lumundag-lundag talaga si Chie habang nakahawak sa kanyang mga dibdib.
Yes! Kung sa nakamulatang tradisyon ng mga Filipino tuwing sasapit ang New Year ay tumatalon ang mga tao para tumangkad, iba naman ang trip ng aktres.
“Yung inantay talaga mag 12mn! May pag-asa pa yang hinaharap mo Chienna!!!
“HAHAHAHAHHA ITALON MO PA! Happy New Year!!!” ang nakakalokang caption ni Chie sa kaniyang Instagram post.
Pak na pak naman sa kanyang social media followers ang pasabog ng dating “Pinoy Big Brother Season 10” celebrity edition housemate. Narito ang ilan sa mga comments ng netizens.
“Hahaha wag mawalan ng pag-asa, Chie!”
“HAHAHAHAHA! 2023 Ilaban mo naaaa!! Happy New Year Chieeee!!”
“Happy New Year, Chie!!!”
“Ilang years ko na ginagawa yang Chie, di totoo yan.”
“Okay lang ba daw sa’yo na left side na muna ngayong taon tapos next year na yung kabila.”
“Hahahahaha! hny!!! when i was in college they say potato helps lol goodluck satin mimaa!”
“Kaya mo yan ma!!! Hahaha i lundag moooooo! Happy New Year!!!”
“Hahahahaha! bat di man lang gumalaw?!”
“Happy new year hahahaha! sana mag ka laman na yan.”