MMFF 2022 Review: ‘Deleter’ ni Nadine Lustre dapat bang i-‘delete’ o dedma na lang?

Deleter ni Nadine Lustre dapat bang i-'delete' o dedma na lang?
NOONG una kong malaman na magkakaroon uli ng pelikula si Nadine Lustre at horror ang atake ay agad akong na-excite na panoorin ito lalo pa at isang Mikhail Red ang direktor kaya naman mas nag-expect ako dahil for sure ay talagang kalidad na pelikula ang mapapanood ko.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit nais ko itong panoorin ay dahil sa karakter na ginagampanan ni Nadine bilang isang content moderator.

Marami kasi akong naririnig patungkol sa trabahong ito kaya naman bet kong mapanood kung paano isasalaysay ng pelikula ang kanilang buhay at pati na rin ang mental health issues na dulot ng ganitong klase ng trabaho.

Mukha namang hindi lang ako ang nag-expect at nag-abang sa pelikulang ito dahil talagang nahirapan kaming bumili ng ticket sa bilis na ma-sold out ng mga tickets.

Swerte na sigurong nakahabol pa kami sa last full show na mas lalong nakadagdag ng munting kaba sa akin na baka hindi ako makatulog pag-uwi matapos panoorin ang pelikula.

Pagpasok ng sinehan ay makikitang puro magkakapamilya, magkakabarkada, at magdyodyowa ang nasa sinehan. Marami na rin ang mga bulungan gaya ng “Hatid n’yo ko pauwi”, “Uy, CR na tayo”, at marami pang takutan.

At heto na nga, nagsimula ang pelikula, sa totoo lang, jump scare. Salamat na lang at wala akong sakit sa puso dahil ewan ko na lang sa lakas ng tili ng iba.

Tumakbo ang istorya patungkol kay Lyra (Nadine) isang content moderator at ang misteryo sa pag-alis at pagkamatay ng isa sa kanyang office mate na si Aileen (Louise delos Reyes).

Para sa akin, ang ganda ni Nadine. Bet na bet ko ang kanyang bare face at ang galing ng kanyang pag-arte. For me, dasurb ang award bilang best actress.

Pero medyo na-disappoint ako dahil parang hindi naman normal sa office setting na madilim.

Bukod rito, nakulangan ako dahil hindi masyadong naging detalyado ang nature ng trabaho ng isang content moderator.

Isa pang naging tanong ko ay ang role ni McCoy de Leon sa pelikula. Sa totoo lang, sa kanya ako na-curious sa buong panonood ng pelikula.

Pero ang hindi ko ine-expect ay ang galing ni Louise na talagang dinala ko hanggang sa pagtulog. Pakiramdam ko nakatayo siya malapit sa akin at minamasdan ako kung may idi-delete ba ako habang hawak ang phone ko.

All in all, okay naman ang pelikula, nabagalan lang ako sa takbo ng kwento. Marami rin akong tanong gaya ng anong kwento sa likod ng pamilya ni Lyra, ang office set-up nila, pati na rin ang mental health condition ng karakter ni Nadine.

Iniisip ko tuloy kung magkakaroon nga ba ng part 2 ang pelikula dahil sa tingin ko, marami pang pwedeng mangyari at paanong naging “malandi” si Aileen gayong hindi naman masyadong na-establish ang relasyon nila ng kanyang boss na si Simon.

Kung curious rin kayo, go at panoorin na ang “Deleter” na showing hanggang January 7 pati na rin ang pito pang MMFF entries.

Support local movies, mga Ka-Bandera!

Related Chika:
Direk Mikhail Red ‘hoping’ na maging blockbuster ang kanyang pelikula na ‘Deleter’ sa MMFF filmfest

Nadine sa MMFF 2022 best actress award: Happy ako na napasigaw namin kayo this Christmas!

Nadine Lustre, Ian Veneracion waging best actress at best actor sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal; ‘Deleter’ itinanghal na Best Picture

Nadine Lustre pagod na pagod sa paggawa ng horror movie, dugo’t pawis na may kasamang luha ang puhunan sa ‘Deleter’

Read more...